AFTER 5 YEARS “Milan! Genoa! Ravenna” Malakas na tawag ni Ate Mira sa mga pamangkin niya. “Hayaan mo na, Ate Mira. Nakabantay naman sina Kuya Jarred at si Ezekiel sa mga anak ko. Magpahinga ka na lang at baka mapagod ka. Masama sa buntis ang sobrang pagod. Tsaka nando’n din naman sina Yaya. Maraming bantay ang mga bata.” Nakangiting sabi ko. Buntis kasi si Ate Mira. 4th pregnancy na niya. Ang dami na nilang anak ni Kuya Jarred. Huling pagbubuntis niya ay triplets at ‘yon nga ang panahon na nabuntis rin ako. Ang sabi nila Ate Mira ay magko-kontrol na sila pero matapos ng limang taon ay nabuntis na naman siya. Wala naman problema dahil hands-on naman si Ate at Kuya Jarred kahit maraming anak. Napatingin ako sa may dalampasigan kung nasaan ang triplets ko habang naglalaro kasama sina Kuy

