Heaven Venice Geronimo “Bro, I’m just visiting you.” Sambit ni Axel at matapos ay pinakawalan n’ya ang kamay sa may braso ko. Hindi ko mawari ang expression ni Jacob ngayon. Parang nagpipigil siya ng galit. Whatever. Wala na akong pakialaman sa nararamdaman niya. “Manang, halika na po.” Aya ko sa matanda. “Oo, Ma’am.” Sambit ni Nanay Vina na naglakad na papapasok ng mansion. Sinundan na rin siya ni Laine. Nilingon ko muna si Axel at ngumiti dito. Sa ginawa ko ay napansin ko naman na natigilan ito sa at nilibot pa ang tingin sa mukha ko. “Excuse me,” sinabi ko kay Axel at sumunod na ako kina Nanay Vina. Ramdam ko ang paninitig sa akin ni Jacob habang naglalakad ako. Kahit hindi direktang nakatututok ang tingin ko sa kanya ay pakiramdam ko na matutunaw ako. Hanggang sa nilampasan k

