CHAPTER 43 - MIRACLE & JARRED Miracle Florence Geronimo “Daddy!” Biglang sigaw rin ni Rence Karlo na biglang umalis sa upuan at tumakbo papunta sa lalaking hindi ko maalis ang tingin sa mata nito. “Sh*t! anak niya talaga.” Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko na ilang hakbang lang naman ang layo don sa pinto. Naroon na ang dalawang bata sa harap ni Jarred pero nakapako pa rin ang tingin nito sa akin. At pati ang mata ko ay hindi ko maalis sa kanya. Ilang taon na ang nakalipas pero halos gano’n pa rin ang itsura nito. Mas naging rugged lang mas kumapal ang balbas, tila wala nang time mag-ahit. Pero ‘yung appeal nito ay gano’n pa rin. ‘Yung tindig nito makalaglag panga pa rin. He’s on his 40’s now, pero kapag tinabi siguro siya sa mga kaedaran ko ay mas titilian pa siya ng mga baba

