HERA’S POV
“Manong, who owns that car?May bisita ba sila Mommy?”
Agad na tanong ko sa security guard namin ng makababa sa sarili kong sasakyan.Tinuro ko pa yung magarang sasakyan na nakaparada sa isang tabi.
“Good evening ma’am Hera.Opo may bisita po sila Ma’am at Sir hindi ko nga lang po kilala yung lalaki kasama nila Mr and Mrs Thao,”
Magalang na sagot ni kuya guard sa akin na tinanguan ko na lang at saka nagpasya na lang na pumasok na sa loob ng bahay. Familiar sa akin yung surname na binanggit ni Manong hindi ko lang matandaan kung saan ko ba narinig ‘yun.Nang makapasok sa loob ay binati ako ng maids namin na nakasalubong ko.Akmang aakyat na sana ako sa taas ng tawagin ako ni Mommy na basta na lang sumulpot mula sa kung saan. Nasa ikatlong baitang pa lang ako ng hagdan ng mga sandaling iyon.
“Hera sweetheart come here,”
Tawag sa akin ni Mommy kaya naman bumaba ako muli instead na magpatuloy sa pag-akyat sa taas.Kabastusan naman kung i-ignore ko si mommy noh.
“Good evening po mommy.Where’s daddy?”
Magalang na bati ko sa ina matapos itong i-kiss sa may pisngi.Inimuwestra naman ng ina ang daan patungo sa dining area namin kaya nahulaan ko agad na naroon si daddy. Nang maalala ang sasakyang nakita sa may labas ay inusisa ko na si mommy.
“Sino ang bisita niyo Mommy?”
“Oh our close friend sweetheart.Halika ipapakilala kita sa kanila,”
“No need mom.I gotta go upstairs”
“Nah-ah baby, c’mon let me introduce you to them and you know what their son is so handsome,”
Ngiting-ngiti na sambit ni mommy at agad na akong hinila nito patungo sa dining room.
Hindi na ako umangal pa at nagpatianod na lang sa ina.Nagtatawan ang mga ito ng maabutan namin.Natigil lang ang masayang pag-uusap ng mga ito ng mapansin kami ni mommy at madako ang tingin sa amin.
Shock is not a vulnerable word to say now that written on my face in a snap when my eyes are already laid to one person that was staring at me intimately right now.Yeah titig na titig sa akin ang lalaking katabi ng babaeng tiyanta ko ay kaedaran lang ni mommy same as mine na gulat na gulat rin akong nakatitig dito.Watta small world right!? Alam mo yung feeling ng mapapamura ka na lang at mapapasabi ng bad words pero hindi mo maisatinig at tanging sa isipan mo lang masasabi. Nakakagago lang!
“Hello everyone.This is my beautiful daughter Hera.Sweetheart si Tita Claire and Tito Joseph mo, sila ang closed friend namin ng daddy mo.And oh I forgot to introduce their handsome son, he’s Jake Marco,”
Masiglang pakilala ni Mommy sa akin.Agad naman tumayo ang mag-asawa at niyakap ako sabay beso.Pilit ang ngiting ginawad ko sa mga ito dahil sa biglaang awkwardness na naramdaman.Tumayo rin si Jake at nakipag handshake sa akin.Ayaw ko sana tanggapin ang pakikipagkamay nito pero nakatunghay sa amin ang both parents namin kaya kahit labag sa kalooban ko ay tinanggap ko na lang ang pakikipagkamay nito para matapos na.Ngumiti pa ito sa akin na kinairap ko sa hangin.Kapalmoks talaga!
After that our dinner began.Masaya silang nag-uusap habang ako ay hindi natutuwa. Pakiramdam ko rin na hindi ako matutunawan sa kinakain ko kaya naman binaba ko na lang ang kutsara at tinidor ko bago sumimsim ng juice sa baso ko. Napansin iyon ni mommy kaya nag-dahilan na lang ako na busog na ng tanungin ako nito.Naiinis rin ako sa paninitig ni Jake as if na kami lang ang taong naroroon ngayon.
“Why don’t you court her hijo.Bagay kayo ng anak namin right honey?”
Muntik na akong masamid ng juice sa biglaang salita ni mommy.At talagang nag-suggestion pa ang magaling niyang ina.My god!Nag-angat ako ng tingin dito at huling-huli ko ang ningning sa mga mata nito.Hindi ko tuloy maiwasan na hindi mapahinga ng malalim dahil sa ideya ni mommy.Court my @ss!gigil na sambit ko sa isipan ko.
“Sure tita, kung papayag po si Hera why not.I’m single and ready to mingle,”saad nito na ikinangitngit ng lamang loob ko sa inis para dito.Hanep talaga sa kakapalan ng mukha eh noh.Gigil niya ako!Nakatingin rin ito sa akin habang sinasabi iyon kaya lalong nadadagdagan ang inis ko para dito. Pangiti-ngiti pa akala mo naman gwapo.Tsk! Pasimple ko itong inirapan at hindi itinago ang pagkadisgusto sa sinabi nito.What the heck?Ang kapal talaga ng apog!Grrrr…saad ko sa isipan muli habang gigil na tinitiris ito na parang garapata sa isip.Sumang-ayon naman ang magulang nito at si mommy kaya ayon may pagpalakpak pa!Just great!
Kung ano-ano pa ang napag-usapan ng mga ito hanggang sa matapos ang dinner.Hindi na rin ako nakisali pa sa tea time nila mommy at nag-excuse na sa mga ito.Inis lang ang hatid sa akin ng dinner na ito at dahil doon ay umabot pa hanggang kinabukasan ang pagiging moody ko at hot headed.Wala ako sa mood ng pumasok sa opisina.Ganoon rin sa mga sumunod na araw pa.Paano ba kasi naman wala ng bukambibig si mommy kundi ang suhestiyon nito panliligaw ni Jake at ang hinayupak may lakas pa ng loob at kakapalan ng mukha na pumunta sa bahay namin.Kagaling di ba!Sarap manakal ng tao!
Rinding-rindi na nga ako sa bahay kaya naman late na ako nauwi para lang makatakas at makaiwas sa mga rants ni mommy.Kung sila natutuwa well not me, dahil nakaka-imbyerna lang.Pinagpasalamat ko nga ng dumating yung araw na aalis na kami para sa photo shoot na aming gagawin para sa magazine.Kaya ayon ikinahinga ko kahit paano ng maluwag.For once kahit sandali ay makalayo ako sa parents ko at sa paulit-ulit na sinasabi ng mga ito at ang pag-pursue sa akin sa Jake na iyon.I feel like I’ll be free from some pressure from them.
“Welcome sa aming probinsya guys.Nandito na tayo,”
Masigla at malakas na sambit ni Riri ng makarating kami sa bayan nila.Susunduin kami ng pinsan nito dito sa bayan para personal na siyang maghatid sa amin sa mga ito.Although may sasakyan kaming dala.Isang SUV black van ang sinakyan namin lahat para less hassle at sama-sama pa rin kami.
“Nagugutom na ako Riri, may food ba sa pupuntahan natin?”
Nakangiwing tanong ni Lavender kay Riri na agad tumango.Biglang nag-lighten up ang itsura ni Lav sa narinig.Napailing na lang ako bago nagpasyang bumaba ng sasakyan para bumili ng tubig sana.
“Guys bili lang ako ng water,”
Paalam ko sa mga kasama ko bago binuksan ang pintuan sa may tabi ko. Nagpabili rin ang mga kasama.Sa may tapat na tindahan ang tinuro ni Riri na pwede kong bilhan.Maingat na naglakad ako palapit doon.Anim na bote ng tubig ang binili ko at pagkabayad ay agad na rin ako lumabas ng tindahan.May nakita pa akong nagtitinda ng banana cue kaya bumili na rin ako.Natakam rin kasi ako bigla.It’s been a while ng huling makatikim ako nito kaya namiss ko bigla. Noong nasa amin pa si Nana—ang yaya ko na nag-alaga sa akin ay madalas ako makakain nito dahil palaging nagluluto si Nana sa bahay namin.Natigil lang ng magretiro na si Yaya at umuwi na ng probinsya nila.Nasa late 60’s na rin kasi si Yaya at saka may maganda ng hanapbuhay ang mga anak nito kaya ayon nagretiro na. Nang maalala ang dating tagapag-alaga ay bigla ko itong namiss although may komunikasyon pa kami nito until now.Lately nga lang ay hindi ko ito nakukumusta dahil sa busy ako.
“Salamat po!”
Saad ko sa tindera ng maiabot ang bayad at makuha ang binili.
“Salamat rin ganda,”
Ngumiti na lang ako sa tindera bago pumihit patalikod para bumalik na sa sasakyan namin.Nakakailang hakbang pa lang ako ng maglaglagan ang bitbit ko dahil sa lalaking nakasagi sa akin.
“Ano ba yan!Hindi ka ba marunong tumingin sa nilalakaran mo?”
Masungit na sambit ko sa nakasagi sa akin at yumukod para pulutin ang bote ng tubig na nalaglag.Hindi ko na pinagkaabalahan pa na lingunin ito.
“Ay pasensya na po ate hindi ko sinasadya,”
Narinig ko pa na sambit ng boses lalaki at kita ko sa gilid ng mata ko ang pagtulong nito sa paglimot sa bote ng tubig.Nayayamot tuloy na nilingon ko ito at ilang sandali pa na napatulala dito ng mapagmasdan ang mukha nito pero ng maalala na naiinis nga pala ako ay muling rumehistro sa akin ang inis ng maalala ang ginawa nito.
“Pasalamat ka at bata ka.Next time be careful at tumingin ka sa dinadaanan mo para hindi ka makaperwisyo!”masungit na sermon na saad ko dito bago pairap na tumayo.Napakunot noo pa ito na hindi ko na lang pinansin.Hahakbang na sana ako paalis ng magsalita ito.
“What the f**k!?Ako bata?Tinawag mo akong bata?”