MINT’S POV WALA AKONG MAAYOS NA TULOG at kain kakahanap kila Hera.Katulong ko rin sila Riri at si Hermes.May mga koneksyon itong kinontak.Ilang araw na ang lumipas pero nahihirapan kami mahanap ang mga ito. Wala pa rin resulta about doon sa sasakyan. Pahirapan kumbaga.Sobrang polido kasi at saka isa pa wala nga cctv footage na pwede sana magturo sa plate number ng sasakyan kaso dahil nga sa wala naman cctv naka install sa bahay nila Hera ay wala kami makuhang lead. Nagsariling imbestigasyon rin ako about sa ex-boyfriend ni Hera na si Jake. Natanong ko na ‘to kay Riri—ang full name ng Jake na yun kaya naman hindi ako nahirapan sa pag-iimbestiga dito.Ang pamilya ng Jake na iyon ay nag migrate na sa ibang bansa at tungkol naman kay Jake ay matagal na itong hindi nauwi sa pilipinas.According

