MINT’S POV SA ISANG BAHAY KAMI DUMIRETSO na medyo may kalayuan sa bayan. Napapaligiran ng punong kahoy ang palibot ng bahay na iyon.May sumundo rin sa amin na sasakyan kaya hindi kami nahirapan sa pagtungo dito ngayon. “Dito tayo pansamantala mananatili habang inaalam ang eksaktong kinaroroonan ni Jake.Kailangan natin mag-ingat pa rin para walang makapansin sa atin na kahina-hinala.”saad ni Hermes sa akin kaya tumango lang ako dito. “Guys suit yourself and just feel at home okay,” saad naman ng lalaking sumalubong sa amin kanina dito sa bahay. Nagpahinga kami sandali bago nag-usap-usap hinggil sa plano.Hanggang bukas ay maghihintay kami sa report ng tauhan ni Hermes na inutusan nito pero pasimple kaming nag-tanong-tanong at nagmamatyag sa may bayan at karatig na lugar pa para may mak

