NOTE:This chapter may be the book two of this story.I hope you like it.Thank you! SERENE’S POV SIMPLENG BUHAY KASAMA ang aking pamilya.Kahit hindi kami mayaman ay ayos lang sa akin dahil sanay naman na ako sa hirap ng buhay.Manggagamot dito sa aming barangay si tatay Temyo habang si nanay Adela naman ay isang tindera ng isda at gulay sa palengke sa may bayan dito sa Pinamalayan Oriental Mindoro. Masipag at mabait sila sa akin—sa amin. “Ineng nandyan ba ang tatay Temyo mo?” Mula sa pagwawalis ko sa harapan ng bahay namin ay napaangat ako ng tingin sa nagsalita.Ngumiti ako dito bago sumagot. “Magandang umaga po, Aling Nena kayo po pala.Nasa loob po ng bahay si tatay. Maupo muna po kaya tawagin ko lang po si tatay Temyo,”saad ko sa kapitbahay namin na ngumiti lang sa akin bago lumapit

