HERA’S POV DUMATING ANG ARAW na sinasabi ng kakambal ko—ang ‘Wedding Anniversary’ ng parents namin.Nagpasya akong hindi isama ang kambal at nag-pasundo na lang rin ako sa kapatid ko.Hindi naman ako magtatagal doon eh.Gusto ko malaman kung handa na ba ako o kaya ko na ba silang harapin at patawarin sa kabila ng lahat ng nangyari. Kaya rin ako pumayag sa gusto ng kakambal ay dahil hindi naman daw magarbo ang selebrasyon.Relatives and family friends lang daw ang dadalo sa nasabing salo-salo. Sa isang five star hotel lang yun gaganapin kaya sasaglit lang ako bago umalis ulit. “Are you sure about this Hera?Pwede ka naman hindi na pumunta kung hindi mo pa kaya na makita sila Mom and Dad.” Mula sa pagtanaw ko sa labas ng bintana ng sasakyan ng kapatid ay napabaling ako dito. Hindi agad ako umi

