MINT'S POV ISANG LINGGO ANG TINAGAL ng aming search operation kay Hera pero wala pa rin talaga.Bagsak ang balikat ko ng paakyat na ako muli sa taas para bumalik sa bahay ng may ibalita ang isang rescuer na naghahanap.Bumalik ako muli sa pwesto nila Hermes ng lumapit na ang lalaki. “May narecover po kami katawan ng tao Sir sa may dulong bahagi po ng ilog.Halina po kayo Sir para makita niyo, medyo mahirap nga lang po kompirmahin kung ito na nga po ba ang hinahanap natin na nawawala niyong kapatid dahil sira po ang buong mukha at may damage rin po ang parte ng katawan na inuuod na,” Nakaramdam ako ng panghihina ng tuhod sa narinig na salaysay ng lalaki. Muntik na akong matumba kung hindi lang ako naalalayan ni Leaf na nasa likuran ko pala. “Let’s go!” Saad ni Hermes ng tumingin sa akin

