*Tyler POV*
Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw. Ramdam ko rin ang sakit ng aking ulo dahil sa pagkahilo.
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at laking gulat ko ng nakita ang aking sarili sa isang liblib na lugar na puno ng kagamitan. Ipinikit ko ang aking mga mata upang maalala lahat ang nangyari kagabi at bigla nasagi sa aking isipan ang isang matangkad na lalake na tumakip sa aking bibig na syang dahilan ng aking pagkahilo.
Napaisip nalang ako sa bilin ng aking ina kahapon at tyak nag-alala ito dahil hindi ako nakauwi sa mansyon. Kaya madaling lumakad narin ako papunta sa pintuan ngunit nakalock ito gamit ang isang cable wire.
" Tulong!! May tao ba dyan. Please?? Nagmamakaawa ako. Buksan niyo ang pinto!!" sigaw ko.
"Huhuhu parang awa niyo na.. Buksan niyo ang pinto!!"
Wala akong kamuwang-muwang kung nasaan ako. Kaya inilinga ko ang tingin sa paligid na tinatambakan ng mga sirang upuan at nga karton-kartong painting materials.
"Tulong!!! May tao ba dyan" sigaw ko ulit at nagbabakasakaling may tutulong sa akin.
Halos mapiyok na ang aking boses dahil sa kakasisigaw. Ilang besis ko narin itong ginawa pero wala paring tumulong sa akin.
Ilang saglit pa ay may narinig akong nagtatakbuhan papunta dito. Tinatangka nilang buksan ang pintuan pero hindi ito mabukas.
"Steady ka lang dyan iho.. Wag kang mag-alala. Nandito kami para iligtas ka" mahinahong sambit ng isang lalaki.
Isang mabigat na bagay ang pinukpok nila sa cable wire kaya lumuwag ang pintuan. Bumukas narin ito at tumambad sa aking harapan ang dalawang security guard. Kita ko rin ang pag-alala sa kanilang mukha ng nakita nila ang kalagayan ko.
"Sir Tyler!! Bakit kayo nandito?" nagtatakang tanong ng isang security guard.
Kilala kasi ako sa mga staff dito sa unibersidad dahil narin sa background ko.
"Kasi kagabi may dumakip sa akin at tinakpan nya ang aking bibig na syang nagpawalang malay ko. At ngayon, bigla nalang akong naalimpungatan at nadatnan ang aking sarili sa kwartong ito." salaysay ko.
"Huh? Ganun ba sir! Pero okey ka lang ba?, kasi namumutla ka." tanong nito na may halong pag-alala.
" Okey lang ako." tugon ko.
"Sino naman kaya ang gumawa sayo nyan sir. Kung gusto nyo, erereport natin ang pangyayaring ito sa punong panukulan ng unibersidad para malaman natin kung sino ang salarin" udyok nito sa akin.
"Hindi ko po alam kung sino siya pero basi sa mukha niya at tangkad ay magkasing edad lang po kami. Sa tingin ko po estudyante rin siya dito." buntong hiningamg salita ko sa kanila.
"Sir nakakaasa kayong ereport po namin ito sa guidance office para managot ang salarin. Wag kayong mag-alala gagawan namin ng paraan para mahanap ang may gawa sayo nito." assurance nila.
Sinabayan nila ako palabas ng paaralan. Buti nalang sabado ngayon kaya walang pasok. Nagpasalamat narin ako sa kanila at nagpaalam upang umuwi sa bahay. Tiyak nag-alala si Mommy ngayon dahil hindi ako umuwi kagabi.
Pumara narin ako ng taxi at sinimulan ang byahe papunta sa mansyon. Nang nakarating ako sa bahay ay labis akong kinakabahan. Hindi ako mapalagay kaya dinalian ko ang paghakbang papunta sa loob ng mansyon.
Pagbukas ko ng pintuan ay tumambad sa aking harapan ang galit kung ama.
" Bakit ka pa umuwi dito tangna ka! Alam mo ba ikaw ang dahilan kung bakit malala ang kalagayan ng ina mo. Nasa ICU ang ina mo at ilang oras na itong hindi gumising. Saan kaba nanggaling ha!!! Pinag-alala mo ang iyong ina!! Buti nalang naagarang idinala sa ospital kaya nalunasan kaagad. Syet ka!!! Lumayas ka dito hinayupak ka!! Wag kanang bumalik dahil puro kamalasan ang ibinigay mo sa pamilya natin." paturo nito sa akin habang humakbang papunta sa kinatayuan ko.
Napaatras ako dahil sa ekspresyun ni daddy. Hindi ako umimik bagkus naisip ko ngayon ang kalagayan ng aking ina. Bigla nalang tumulo ang aking mga luha dahil nag-alala ako sa kalagayan ng akin ina.
Gusto kung isalaysay sa kanya ang nangyari sa akin kagabi pero hindi ko masabi. Dahil kung sasabihin ko naman sa kanya ang tutuong nangyari ay hindi niya naman ako paniniwalaan.
Umiyak ako na wala sarili dahil poot at lungkot ang nasaisip ko. Nag-alala ako para kay Mom.
Palapit ng palapit si dad sa kinatayuan ko ngayon. Kita ko ang galit na ekspresyon niya habang kinukuyom ang kamao. Isang malakas na suntok ang iginawad niya sa akin kaya dama ko ang kirot ng mukha ko dahil sa ginawa niya.
Hinawakan ko ang masakit na parte kung saan ako sinuntok ng ama ko. Sa pagkakataong iyon ay tanging iyak lang ibinitaw ko. Ang sakit sa pakiramdam na kamumihi-an ng sariling ama. Ang sakit sa pakiramdam kapag nakita mong ipagmumukha ang sarili na tanga at walang kwenta.
"Oh tama ka dad na puta ako. Wag kang mag-alala lalayas ako dito sa pamamahay mo tutal wala naman akong kwenta diba? Alam mo ba na kahit isang kunting pagkakataon ay hindi ko naranasan ang pagmamahal mo na matagal ko ng pinangarap. Hindi ko naranasan ang yakap mo kahit panandalian lang. Dad pasinsya kana kung pabikat ako sa inyo at walang kwentang anak. Pero kahit masakit sa akin ang mga binitawan mong salita na halos nagpababa sa pagkatao ko, tandaan nyo na mahal ko kayo. Kung nagkamali man ako. Sana mapatawad nyo ako."
Umalis narin ako sa harap niya at ako tumingin sa mukha nito. Binilisan ko ang pagtakbo palabas sa mansyon habang hinagod ang pisngi na may luhang tumulo pa.
Paglabas ko sa gate ay nakita ko si kuya kaya lumapit ako sa kanya at sinunggaban ito ng mahigpit na yakap.
"Kuya Chad sana mapatawad nyo ako kung ano man ang kasalanan na nagawa ko sa pamilyang ito. Lalayo muna ako upang bawasan ang tensyon na namumuo sa inyo dahil sa akin. Babalik naman ako kung okey na lahat at wala na kayong galit sa akin. Nga pala Chad, Salamat sa lahat. Kahit hindi ko nakita ang respito galing sa inyo ay renerespito parin kita. Mahal kita kuya. Ingatan mo ang iyong sarili at magpakabait ka narin. Bawasan ang pagiging masungit ha?" nakangisi kung sabi sa kanya kahit masakit sa kaluoban.
Bumalikwas ako sa pagkayakap sa kanya at tiningnan ang kanyang nanginginig na mata. Bumitaw ako ng panghuling ngiti sabay pahid sa mga luhang pumapatak sa mga mata ko. Huminga ako ng malalim at tuluyang umalis sa harapan niya. Lumakad akong nakayuko habang patuloy na umiyak. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
................
................
Chad Pov
Ang sakit pala kapag nakagawa ka ng kasalanan. Kasalanan na hindi ko malilimutan dahil sa pagiging selfish ko. Huli na ang lahat dahil ako ang dahilan kung bakit nangyari iyon kay Tyler. I am so dumb and idiot. Tama nga sila na ang sama ko. Tama nga sila na duwag at ang damot ko.
Iyon naman ang gusto ko diba na mawala sya. Pero natauhan ako na ang laki pala ng kasalanan ko.
Hindi ako tumuloy sa loob ng mansyon dahil hindi ko gustong makita na sinaktan ni daddy si Tyler dahil sa kagagawan ko. Sumandal ako sa bakal na gate at iniisip kung ano ang nangyari sa loob ng mansyon. Mga ilang minuto ang nakaraan ay nakadama ako ng kaba ng narinig ko ang mga yapak ng mga paa kasabay ng mga hikbi ng kapatid ko. Bumigat ang aking pakiramdam ng nakita ko syang paparating sa kinatayuan ko. At sinunggaban ako ng yakap.
He said "Kuya Chad sana mapatawad nyo ako kung ano man ang kasalanan na nagawa ko sa pamilyang ito. Lalayo muna ako upang bawasan ang tensyon na namumuo sa inyo dahil sa akin. Babalik naman ako kung okey na lahat at wala na kayong galit sa akin. Nga pala Chad, Salamat sa lahat. Kahit hindi ko nakita ang pagmamahal galing sa inyo ay renispeto parin kita. Mahal kita kuya. Ingatan mo ang iyong sarili at magpakabait ka narin. Bawasan ang pagiging masungit ha?" huling paalam nito.
Bumitaw sya sa pagkayap at tiningnan ang mga luhang tumulo sa kanyang mga mata. Ang sakit ng pakiramdam at mukhang bumigat ang mga mata ko. Gusto kung umiyak ngunit pinigilan ko ang sarili.
Umalis si Tyler na yumuko at rinig ko parin ang lakas ng hikbi nito. Hindi ko narin mapigilang ang sarili kaya nagsimula naring pumatak ang mga luha ko na matagal kung inipon kanina pa. Bahagya akong umupo at isinandal ang aking sarili sa bakal na gate. Biglang sumikip ang dibdib ko at tuluyang nasakop ang sarili sa kalungkutan.
ITUTULOY