Chapter 8: Growing Feelings "Nakarami ng tip si Angelo kagabi. Tinawanan ko nga kasi inaabot sa akin 'yong mga lilibuhing pera na ibinigay sa kanya ng mga customers na nag-request sa kanya," kuwento sa amin ni Jen ngayong umaga. I was busy discussing the prep list with Kier, pero sige pa rin siya sa daldal sa harap namin. "I guess we'll have to remove this menu," I said, pointing to Caoimhe's menu. Ilang linggo na iyong nakadisplay sa menu book. Hindi pa rin masyadong binibili ng mga patrons namin. Kier gave a nod. "We'll see what the missing ingredient is kung bakit ayaw nila." Nagturo ulit siya at inalis din ang isang menu. "Palitan natin ng chicken enchilada. They'll probably enjoy it." "Have you calculated the costs and expenses?" He wiggled his brows. "Ako pa ba?" Yes. He's a o

