Warning: This story contains mature scenes, explicit s****l content, and sensitive topics that are not suitable for young readers. Reader discretion is advised.
Chapter 1: His Affairs
Year 2022.Torres Mansion.
Before getting out of my black Audi, I stared at my reflection in the rearview mirror to see if I still had a haggard face. And, yes. I still have. Nadagdagan na naman ang fine lines sa mukha ko. I'm really getting old. Hahawakan ko pa lang sana ang door handle ay napansin ko ang pag-ilaw ng mobile phone ko. It was an incoming call. Pinindot ko ang green button ngunit hinayaan ko lang na naka-mount ang phone sa car phone holder ko.
"Gab! Anong ginawa mo kay Ador? Ba't umiiyak siya rito?" Bungad na tanong ni Jen, ang manager ng restobar namin ni Hendrix sa Moalboal.
"I fired him," casual kong sagot.
"You fired him? E, ba't may isinosoling sobre na may lamang five hundred thousand pesos na check? Ang laki nito! Alam kong barya lang sa 'yo 'to. Pero bakit mo siya sinisante?!"
I paused for a moment to calm myself.
"Ano?" pangungulit niya.
"Alam mo ang dahilan, Jen. Don't bother asking me anymore."
"Ayaw naman magsalita ng mga tauhan dito. Kaya nga tinatanong kita. Nawala lang ako ng limang buwan, nabawasan tayo ng anim na tauhan. Anong ginawa nila at pinagtatanggal mo sila?" Base sa tono ng boses niya ayay nagsisimula na siyang mainis.
Jen has been a good and trustworthy friend since we started our business. Waitress siya noon hanggang sa nagkapalagayan kami ng loob at nakita ko naman ang sipag at dedikasyon niya sa trabaho kaya prinomote namin hanggang sa magtagal siya sa amin. Nawala siya ng limang buwan dahil binigyan namin siya ng maternity leave.
"Don't mind it; magpaskil ka na lang ng hiring."
"Hindi biro ang maghanap ng tapat na tauhan, Gab. Alam mo yan. Narito pa rin si Ador, nagmamakaawang huwag siyang tanggalin sa trabaho. At bakit mo binigyan ng five hundred thousand?"
"Alam mo na ang sagot diyan, Jen. Don't make me say it," nagsisimula na akong mainis.
"Hindi ko malalaman, kung hindi mo sasabihin." Determinado niyang sabi. Ang kulit talaga!
"P-pinasubo niya ang t**i niya sa asawa ko. Masaya ka na?!" Nagsisimula nang umahon ang galit sa sistema ko.
"Oh my God!" Jen let out a loud laugh. Hula ko ay sapo niya ang bunganga niya sa kakatawa dahil sa sinabi ko. She is aware of my husband's infidelity as well as his s****l orientation. Naging saksi rin siya minsan sa kababuyan ng asawa ko. Actually, lahat ng tauhan namin, alam ang tunay na sitwasyon sa pagitan naming mag-asawa. Nakikita kasi nila.
"Masaya ka?" tanong ko habang hindi ko mapigilang iikot ang mga mata ko.
"Oh, I'm crying right now. Naiyak ako sa kakatawa. Ikaw ba yan? Nagsasalita ka na ng bad words? Nawala lang ako ng matagal!" Sunud-sunod pa rin ang tawa niya.
I heaved a deep sigh. "Napupuno rin ang salop, Jen. I'm done with him. I've already contacted our lawyer at pumayag na ako sa gusto ng asawa ko. I will sign the annulment papers."
"Ano bang nangyari?"
"Mas lalo na siyang nagiging gago. Dati tago pa ang mga aktibidades niya. Pero simula noong tanggihan ko ang inaalok niyang annulment, naging ganoon na siya. And worst! Inuuwi pa niya dito sa bahay ang boyfriend niya!" I adjusted the air conditioner in the car to a higher temperature.
"Hindi ka pa nasanay. E, ganyan na siya since you married him, 'di ba? Paano na si Skye kapag naghiwalay kayo?"
Natigilan ako. "S-she's going to be fine. I know she will understand it. Sapat na siguro ang eighteen years na pagtitiis ko. I tried so hard to change him but I can't. Lalaki pa rin ang gusto niya," dismayado kong sabi. I know I should be crying right now, but wala na. Naubos na ang luha ko sa loob ng matagal na panahong ginagago niya ako. She is crushing on my pride and dignity, and I can no longer live under the same roof with him. Puno na ako!
"Paano kung kay Hendrix siya sumama, hindi sa 'yo? She's a daddy's girl," she said as a matter of fact.
Muli akong natigilan at doon nagsimulang mag-init ang dalawang sulok ng mga mata ko. I stifled my sob and raised my head. Nang magbaba ako ng tingin ay nakita ko ang anak kong binubuksan ang double door entrance ng bahay namin. Hindi pa niya ako napapansin dahil tutok na tutok siya sa hawak niyang phone. May hawak siyang itim na garbage bag sa kanang-kamay niya. Magtatapon ng basura. Siguro ay tapos na siyang maghugas para ngayong gabi.
"Gab? Nariyan ka pa?"
I swallow a lump in my throat and say, "Yeah."
"Huwag mong isipin ang sinabi ko. Skye will choose you because she knows you chose her over your career. Ang daming nagsasabing ipalaglag mo siya noon dahil ang bata mo pa para magbuntis pero mas pinili mo pa rin siya. You could have been gracing the international fashion industry right now, but you chose her. You could be famous right now, but you give up your career to create a family for her. She is aware of all of your sacrifices."
No! Sigaw ng utak ko. Kahit ganoon naman si Hendrix ay hindi ko pa rin kayang wasakin ang puso ng anak ko. I'm not going to reveal his father's wrongdoings. Masasaktan ang anak ko at ayaw ko iyon. Napakataas ng respeto niya sa ama niya, at hindi ko kayang basta na lang iyong putulin. I can't break my daughter's heart. She's so precious to me. Tama na 'yong ako lang ang nasasaktan, huwag lang ang anak ko.
Then I went into deep thought about the annulment case.
"Mommy!" exclaimed my daughter. She dashes towards my car. The cold air was kissing her messy hair, and her favorite big old spongebob shirt was also flowing with the gushing of air. Regalo ng crush niyang si Anton ang damit na iyon kaya paborito niyang isuot. Itinapon muna niya ang basura sa garbage station bago siya pumunta sa puwesto ko.
"I'll drop the call, Jen. Nakita na ako ng anak ko."
"O, sige. I'll see you tomorrow, but you're fine, right?"
"Yes. Thank you, Jen. Thank you for asking. Love you!
"I love you more!" she laughed, and we both hung up.
June Skye, my eighteen-year-old daughter, stopped in front of my car. Then she walked and opened the back compartment. Kinuha ko ang LV bag ko sa passenger's seat at bumaba ako ng kotse.
"Bumili ka ba ng pinya, mom?" It was her favorite fruit to eat. Binuhat niya ang dalawang grocery bags at mabilis na humakbang palapit sa akin. She kissed my cheeks instantly. Yes, she's this sweet. Laging nanghahalik. Napapawi ang pagod ko kapag kasama ko siya. She's been my rock and pillar for many years. Kung wala siguro siya ay wala na rin ako. Kaya lang naman ako nananatiling matatag dahil sa kanya.
"Yes. Takot ko lang na mapagalitan ng aking unica hija."
She giggled.
I smiled as I heard her happy giggle, but my breathing stopped with the words she uttered.
"Nasa loob po si Ninong Darwin. He's on a fencing session with Daddy again."
Fencing session. Their ass.
Kaagad na kumulo ang dugo ko habang naglalaro sa utak ko ang kababuyang ginagawa nila sa basement. There is a fencing room there, but behind that room is their secret love nest. My daughter is uninterested in fencing. Kaya ni minsan ay hindi siya nagagawi roon. And she cannot also enter, dahil ang magkaibigan lang naman na iyon ang may hawak ng susi sa secret love nest nila.
Sa labingwalong taong pagsasama namin ay napakaraming beses ko na silang nahuli. I despise the look of awe on their faces as my husband watches Arnaiz cockfuck him from behind, as well as the sound of their groans and cries of pleasure. I'm always disgusted by how they do it. Mga baboy! Mga hayop!
"Mom?" May pagtataka sa mga tingin niya habang pinagmamasdan ang mukha ko. "You alright?"
Naramdaman kong nakakunot ang noo ko at nakakuyom na pala ang mga palad ko sa galit, kaya pinilit kong maglagay ng pekeng ngiti sa labi ko. "I'm okay, honey. I'm just too tired."
She nodded in pity and wrapped her right arm around my arm, saying, Kahit na may bitbit ang dalawang kamay niya.
"You should take a rest after eating, mom."
"Kumain na kayo?"
"Opo. Gutom na raw si Ninong, e."
Hindi ko ipinahalata sa anak ko ang inis at galit ko. Natural na kakain muna ang mga iyon dahil gugutumin sila sa "fencing session" nila.
I walked into the living room, leaving my car key in a ceramic angel bowl on the console table. I sat and leaned back in the vintage overstuffed chair, my arms draped over each rest. I crossed my legs, looked up at the ceiling, and massaged my temples.
My daughter took her steps into the kitchen at siya na ang naglagay ng mga binili ko sa loob ng refrigerator. Pinanood ko ang paglinya-linya niya ng mga tetra packs na juice sa loob. By color iyon at pantay-pantay pa. Napangiti ako ng lihim. She's always been a good and responsible daughter. She has matured and is no longer a baby.
"Mom, I will go with Daddy later. Ihahatid daw niya si Ninong," she said while approaching me. She kneeled down and took off my rubber shoes. My caring daughter Minasahe niya ang mga paa ko habang nakalagay iyon sa tuhod niya.
"Don't go near his cats, Skye," I warned her. Mahilig sa pusa ang anak ko ngunit ni minsan ay hindi ko siya ibinilhan dahil may cat allergy siya.
"I won't, mom. Titingnan ko lang po sa malayo. I heard he bought a new pink sphynx cat."
"Better be. Lagot ka sa akin kapag nagkarashes ka. May tono na pagbabanta ang boses ko. She just giggled. Itinabi niya sa shoe rack ang sapatos ko. Tumakbo siya paakyat ng kuwarto niya at alam ko ang gagawin niya roon. She will watch a K-drama again. Ngunit bumaba rin siya at sumilip sa akin sa gitna ng hagdanan.
"Is everything really okay with you, Mom?" I could see the worry on her beautiful face.
Aww.
"Yes, honey. I'm fine. Go! Manood ka na."
"Okay po. I already left a message to Daddy na gisingin ako kapag natapos na sila sa fencing session nila. I really want to see Ninong Darwin's cat."
"Okay, sige na. Manood ka na habang busy pa sila sa baba."
She laughed cautiously to herself and jolted back to her room. She is a free-spirited young lady. Sana lang ay ganyan siya palagi. I don't want her to be sad. Hindi ko kaya iyon.