Chapter 28: Missing Angelo Hindi ako makatulog noong gabing iyon kaya mas pinili ko na lang na umuwi sa bahay. Wala ni isang tawag o mensahe akong natanggap mula kay Angelo. Hindi rin siya pumasok dahil nalaman ko mula kay Tita Angge na lumipad siya patungong Maynila. Kinabukasan, naabutan ako ng anak ko na naglilinis sa kusina. I practically emptied the cupboard of plates and cups. She was laughing and staring at me. "Anong nangyari, mom? Mukha kang Chinese riyan. Lahat na inilabas mo? General cleaning bago ang araw ng mga Santo? Iba rin ang trip mo, mom." I gave her a sidelong glance. Iba ang kinang sa mga mata niya habang tumatawa, umaabot hanggang tenga. "Mapupunit ang labi mo riyan. Huwag mong ipahalata sa aking in love ka, honey." Ganti kong pambabara sa kanya. She pouted but

