Chapter 5

2672 Words
SHARON POV Kinabukasan, nagising ako sa alarm clock, nag set ako kagabi, nahiya naman kasi ako dito sa kaibigan ko, dahil sabay na kaming papasok ngayon. Bumangon na ako at sumilip pa ako sa kanya ayun sarap na sarap pa ang tulog dahil naka nga-nga pa ang loka! Pagtingin ko sa orasan alas kwatro pa lang ng madaling araw, kaya naman pumasok n ako sa banyo upang maligo. Magluluto pa kasi ako mamaya ng agahan namin ng kaibigan ko para narin sa baon. Dahil 8am naman ang oras ng pasok ko at 5pm naman ang aming out. And speaking of out naalala ko si CJ nakikita ko sa mga mata ng batang yun na para bang may lungkot sa kanyang mukha, na miss ko tuloy siya. Hindi bale makikita ko naman mamaya pagkukumbinsi ko pa sa sarili ko. Nagluto na ako ng pang agahan namin, tuyo, itlog, with siningag, at sawsawan na suka with sili, yum! Napalaway pa ako sa aking nakikita sa maliit namin table ng kaibigan ko. Hindi na rin ako kumain kagabi dahil pakiramdam ko busog ako kahit wala naman akong kinain maliban lang sa kape ni miss Tam at cookies na pinameryenda niya saamin. Kaya ngayon gutom na gutom na ako. Panigurado din bubuskahin ako sa mga staff sa restaurant mamaya. Kapag kasi hindi ko d’off E’ dun talaga ang tambay ko. Kay miss Tamara naman kapag break time ko kung wala si Jenny. Bago ako magsimula kumain, sinalang ko muna ang rice cooker pang baon namin ng kaibigan ko, dahil magluluto pa ako ng fried fish at gagawa ako ng salad na kamatis at pipino, ganito ang lagi namin baon, hindi kasi pwede saamin ang may sabaw, dahil sayang lang kung matapon. Katulad noon dahil mahilig kami pareho sa sabaw kaya naman nagbaon kami ng sinigang ayon pagdating sa work basang-basa ang bag namin pareho, at hindi na namin naulit pa. Mag aalas sais na at natapos na din ako, siya naman ang gising ng kaibigan ko. “Good morning Sha, “ bati n’ya saakin na nakangiti saakin na parang may kahulugan bawat ngiti niya, binalewala ko naman, at binati siya. “Good morning too Jen,” ganting bati ko sa kanya, at ayun dumeretso na siya sa banyo. Paglabas n’ya nakaligo na at naka bihis na din. Ganyan kasi kami para kahit mag cellphone kami atlist ready to go na mamaya. Adik din kasi kami sa k’drama kung siya ang paborito n’ya ay si SongJoongKi ako naman si Lee Min Ho. The love of my LIFE oppa! “ Friend tapos kana kumain? “ tanong niya saakin, dahil nakita niya na nag iisa nalang ang plato s lamesa, “Oo friend, pasensya kana nagutom kasi ko, hindi na kasi ako naka kain kagabi dahil late na akong naka uwi,” hinging paumanhin ko naman sa kanya, mukhang ok naman sa kanya, kung sabagay hindi lang naman ito ang unang beses na nagawa ko. “Naku ano kaba, ok lang friend ganyan naman ako minsan,” sagot naman niya at nagsimula ng kumain ang kaibigan ko. Oo nga naman pareho talaga kami dahil minsan hindi naman talaga kami magkapareho ng oras sa trabaho. Alternate kami kung baga. “S’ya nga pala friend naka ready na rin ang baon natin mamaya hah, nilagay ko na sa bag natin,” paalala ko sa kanya habang kinakalikot ko ang aking cellphone. “Naku bakit hindi mo ako ginising Sha, at natulungan kita, ikaw talaga hah,pero thank you bess hah,” malambing na sagot ng aking kaibigan. Mukhang may balak na naman siyang magdrama. Kaya naman biniro ko siya. “Magpa salamat ka nalang kaya bess, at paano kita gisingin sarap ng hilik mo naka nga-nga kapa kaya noh!” Pag bibiro ko sa kanya,napatutop naman siya sa kanyang bibig na akala mo namam nakaka bigla ang sinabi ko, pero kalaunan gumanti naman. “Oo na Sharon ikaw na ang maganda, HAPPY?” kunwaring galit niyang sagot saakin, kaya napabungisngis pa ako, ngunit nagseryoso na rin ako dahil seryoso naman siya. “Pero bess thank you talaga hah, hulog ka talaga nang langit saakin,” sabi niya at niyakap na ako, gumanti din naman ako sa kanya ng yakap. “Wow touch naman ako bess, your welcome, ILOVEYOU! “ At yun na ang end ng dramahan namin. Akala ko tapos n ngunit may kasunod pa siyang tanong. “Siya nga pala saan ka kahapon,? Tanong saakin na may pagtataka ang kanyang mukha e’ alam naman niyang may part time ako. Kaya sinimangutan ko siya. “Ulyanin kanaba Jen? Diba off ko tapos may part time ako kahapon,? “ sagot ko naman sa kanya, pero hindi parin mawala-wala ang pagtataka sa kanyang mukha. Napakunot noo pa ako. “Alam ko na may part time ka, alam mo ba ang bali-balita sa hotel kahapon_? “ Pambibitin pa niyang tugon saakin. Ako naman mukhang na curious sa kaibigan kong tsismusa. “Na ano? “ curious kong tanong sa kanya dahil kung tsismis ang pag uusapan numero uno ang aking kaibigan. “Ganito kasi yun,” umayos muna siya ng upo bago nagsalita, tsismusa talaga tong kaibigan kong to, pero mukhang exciting naman ang sasabihin niya kaya nakinig na rin ako, lalo na kapag pera ang pag uusapan, “Alam mo ba, yung CEO may anak daw friend,” sabi n’ya na akala ko may nakakagulat, yun lang naman pala ang sasabihin niya, akala ko kanina tungkol sa pera eh! “Oo alam ko, so ano ngayon kung may anak?” walang gana kong sagot sa kanya as if naman may nakakagulat Diosko naman.E’ ano naman ngayon kung may Anak ang CEO problema ba yun, hindi ko mapigilan ang maghimutok. “Ano! Alam mo!? “ gulat at malakas n’yang tanong saakin, kaya naman lumayo ako sa kanya dahil sa lakas ng sigaw akala mo naman bingi ako, sinamaan ko siya ng tingin. “Bakit kaba naninigaw masisira eardrum ko sayo E’ “ Reklamo ko sa kanya, at ang babaita kong kaibigan tumawa lang. “E’ paano mo nalaman? Diba may part time ka bess, sino nagsabi sayo?” Sunod-sunod niyang tanong saakin na akala mo naman interesado siya sa ping uusapan namin, samantalang ako bagot na. Dahil ang oras namin ay mag alas otso na, “Tsk,Mahabang kwento friend, mali-late na tayo, tumayo kana diyan tsismusa ka talaga!” pagtatapos ko sa usapan namin napahahikgik naman ang kaibigan ko sa aking sinabi. Andito na ako sa hotel nagkahiwalay na din kami ng kaibigan ko, hindi kasi pwede dito ang dalawang tao sa loob ng room maliban lang noon sa Pen House. Nasa tapat na ako ng room 506 ng nakita ko sa labas sina MR & MRS SANTOS. Dadaan sila kinaroroonan ko, dahil papunta kasi ako sa kabilang kwarto upang maglinis. Tumigil muna ako para batiin sila. May lakad yata kausap ko sarili ko kaya nung nakalapit na sila saakin, binati ko sila ng may tamis ng ngiti sa aking labi, sila lang kasi ang makikitaan mo ng walang pandidiri sa mukha kung maki usap sa katulad kung janitress. “Good morning Mr & Mrs. Santos, have a wonderful day! “ masigla kong pagbati sa kanila, napangiti pa silang dalawa saakin. “Good morning too hija, have a nice day! “ Ganti naman ni Mrs. Santos, at ngumiti naman si Mr Santos. Masaya silang tignan na dalawa kahit pa matanda na sila ay makikita mo talaga na mahal nila ang isat,isa. “By the way hija, pwede ba ikaw na maglinis ng room namin mamaya, alam mo naman ikaw lang ang gusto ko,” pang aamin pang sabi ni Mrs. Santos saakin, sila kasi ang madalas dito sa hotel kung baga VIP kaya naman same room ang kinukuha nila, kulang nalang dito na sila tumira dahil halos araw-araw nakikita ko. “No problem Mrs. Santos, ako na po ang bahala,” nakangiti kong sagot sa kanila at ganun din naman sila saakin, mukhang may lakad ata sila. “Ok hija bye then, pasensya kana at my lakad kasi kami, see you later hija,” nakangiti niyang sabi saakin, at umalis na nga silang tuluyan sa harap ko.Pinagmasdan ko muna sila habang papalayo, “Ang sweet nila kahit matanda na sila” Bulong ko sa aking sarili at napangiti pa ako. “kailan din kaya ako?” nasabi ko pa na bigla nalang ako napatigil sa pinag-iisip ko, kung ano-ano nalang ang nasa utak ko makapag linis na nga bulong ko sa hangin Pero bakit kaya lagi sila dito, at minsan natatagalan pa silang mag stay kausap ko parin sarili ko. Hay naku Sharon maglinis kana kanina kapa wala ka nang matapos tapos sigaw naman nang utak ko, kaya naman nag fucos na ako sa paglilinis. Lunch break na naman pala, ang bilis talaga ng oras, hindi ko na rin mabilang kung ilan ang room na ba ang natapos ko, kaya naman bago ako magbreak, tapusin ko muna ang room nila Mrs. Santos nakakahiya naman sa kanila ang galanti pa naman magbigay ng tips yun bulong ko sa hangin at napabungisngis pa ako, sayang din yung one thousand minsan pa nga Two thousand eh kausap ko sarili ko. Naku Sharon kahit kailan talaga pera ang nasa utak mo asar naman sabi ng utak ko paki mo ba, pera is life for me eh sagot ko din sa sarili ko, nababaliw na ata ako bulong ko pa sa hangin. At nandito na ako sa room para sa mga VIP. Dito lang naman sa room nila Mrs. Santos. Kinuha ko na ang gloves ko at uunahin ko muna ang banyo na linisan. Pagdating ko sa banyo kunti lang naman ang kalat, yun lang halatang nagamit kasi may patak pa na tubig ang bathtub, Kaya naman bago ako ulit magmuni-muni sisimulan ko na, kasi gutom na din ako. Salamat naman malapit na akong Matapos, dito nalang ako sa leaving room bulong ko sa hangin, pakanta-kanta pa ako, paano habang naglilinis ako sa bedroom nila may nakita lang naman ako na nakalapag na two-thousand sa side table at with note pa hah na For you Sharon my dear oh diba sino ba ang hindi gaganahan doon, Diosko kahit ba araw-araw na ganito eh. Ayos na ayos saakin basta may pera! Habang naglilinis ako dito sa sala hindi ko mapigilan ang sarili ko na kumanta! ♬ sabi nila, balang araw darating ang Iyong tanging, hinihiling……… At nung dumating ang aking Panalangin ay hindi na, maitanggi ♬ Kanta kong feel na feel ko pa! Pero napatalon pa ako sa gulat dahil may narinig pa akong kalansing sa labas, mga gamit ko ata sa paglilinis yun, kaya naman lumabas ako. Wala naman akong nakita na kakaiba sa labas ng room ng VIP. Kaya naman bumalik na ako sa loob at ma check ko na kung ok na ba lahat. Dahil. nakakahiya naman sa mag asawa. Bathroom! √ Bedroom √ Mini kitchen √ Biranda √ And last but not the list Leaving room √ Ayan ok na makalabas na bulong ko sa sarili ko. Ngunit paglabas ko, gulat na gulat ako eh paano nakita ko lang naman na natapon ang tubig sa may timba na dala kong panlinis ok naman kanina to. Pa linga-linga pa ako sa labas baka andoon ang may gawa baka naman may nagawi na mga bata at nasagi bulong nang utak ko ah siguro nga Sagot ko sa sarili kong katanungan, naku gutom na yata talaga ako kung ano-ano na nasa utak ko! Pinasadaan ko ang oras sa phone ko 12:30 na pala dapat 12noon ang lunch break namin, hindi bale may two tawsan na ako ngiting tagumpay naman sa sarili ko, atlist may isang oras pa naman akong natitira, 12noon kasi ang break time namin hanggang 1:30 tapos linis na naman pero ayos lang, marami kasi ang katulad ni Mrs. Santos na galanti, pero meron din talaga maldita at mga mataray yung alam mong parang sa kanila ang mundo. Hay maka baba na nga ayan na naman ang utak ko kung saan-saan na naman makarating. Pagdating ko sa area namin pag break time, nagtataka naman ako at kumpol-kumpol silang lahat na akala mo may nakita silang artisa, pero pumunta muna ako sa banyo at nagbihis pawis na pawis na kasi ako, oo may bihisan ako dito, nagdadala kasi ako lalo at pawisin akong tao, kahit pa sabihin natin na may aircon. Paglabas ko nang banyo ganun parin ang nadatnan ko, kumpol- kumpol parin silang lahat, kaya naman hindi na ako nakapag-tiis at binilisan ko na ang lakad ko papunta sa kanila, dahil curious ako, “Hoy! Ano yan hah may artista ba dito! “ Sigaw ko sa kanila at lahat sila nagulat pa ata sa sigaw ko kasi napatingin sila lahat saakin, hindi ko pa nakita kung sino ang nasa gitna dahil natakpan ni Jenny na akala mo may nakaka manghang pagka kita saakin dahil naka nga-nga pa saakin ang loka! At ng mahimasmasan ata ay nagsalita na. “Naku andito na pala ang hinihintay mo young master! “ sabay palakpak pa sa kamay na sabi ni Claire at yun naman ang nag pagising sa kanilang lahat para bumalik na sa katinuan nila, eh kung makatunganga ba naman sila wagas! “ Hoy! Sharon ang dami mong utang saakin! “ sigaw naman ni Jenny na ngayon lang ata natauhan isa pa tong kaibigan ko kung maka sigaw din wagas. “Anong utang? “ takang tanong ko naman sabay lapit na ako sa kanila at yun nalang ang gulat ko na may nakatayong bata sa gitna at naka halukipkip pa at nakasimangot as usual, ang itsura niya katulad din ng una ko siyang nakita, seryoso. “Ano_? “ hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dapat kasi sumabat na ang kaibigan ko. “Kanina kapa hinihintay yan, iniwan lang dito ni Vise President, “ sabi niya na para bang alam ang nasa utak ko, pero sa bata lang ang attention ko. “Saan kaba kasi nanggaling hah at late kana rin mag lunch?” dagdag pa niya na may concern ang boses, pero wala parin sa kanya ang attention ko, kasi sa bata ako nakatingin. “Hoy! Sagot ka naman diyan babaita ka! “ sundot niya sa tagiliran ko kaya napa igtad ako at yun naman ang humagikgik ang bata sa harap namin dahilan para nagising din ako sa realidad at pati mga kasamahan ko dito nag singhapan pa, dahil siguro dito sa pag hagikgik ng bata. Tumingin ako sa kaibigan ko, at inirapan siya, dahil sa ginawa niya sakin alam naman niya na may kiliti ako sa tagiliran ko eh, “Oh, wag kana magalit bess, nakatulala ka kasi eh, ginising lang kita,” bulong niya saakin sabay peace sign at tinaas pa ang dalawang daliri sabay ngiti. “Ikaw hah, dami mo na talagang utang saakin na kwento,” dagdag pa niya habang bumulong at naka tingin siya sa bata. “Hindi kita titigilan mamayang gabi hanggat hindi ka nagkwe-kwento saakin,” sunod na naman n sabi niya kaya naman kinurot ko din siya sa tagiliran niya, napa hagikgik pa ang gaga ngunit mahina lang. “Tumahimik ka, may bata” ganting bulong ko, ngumisi lang ang loka-loka kong kaibigan. “Oh, Sha maiwan ka na namin, may natitira pa kasi akong gagawin na naiwan, paalam ni Claire at sunod- sunod na silang nagsi alisan. Pati ang kaibigan ko umalis na rin, pero may pahabol pa bago umalis. “Yung utang mo hah mamayang gabi,” bulong saakin. Napailing nalang ako sa sinabi ng kaibigan ko. Pero dito na sa bata ang fucos ko at ang luko, pangisi ngisi lang na para bang matanda na naman, yung ngisi parang nakita ko na, bakit parang puro ngisi nalang sa nasa utak ko kausap ko sarili ko. Ngunit biglang pumasok ang mukha ng lalaki sa coffee shop ni miss Tams sa utak ko! “Erase-erase! “ kausap ko sa aking sarili. Kaya naman bago pa ako mawala sa katinuan kakausapin ko muna ang bata sa harap ko, tinignan ko siya nang seryoso at ganun din siya saakin. Parang ginagaya pa ako eh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD