Chapter 16
NASA BAHAY LANG KAMI ngayon habang nagluluto ng meryenda. Kanina pa panay ang tawa ng anak kong si Isabelle dahil nagkukulitan na naman sila ni Reagan.
Nasasanay na talaga ang anak ko na tinatawag na daddy si Reagan. Nong isang araw nga ay pumunta kami sa mall at walang ginawa ang dalawa kundi bumili ng damit.
Hindi ko mapigilan si Reagan dahil kung anong ituro ng anak ko ay binibili niya agad. Kapag sinasaway ko siya ay sasagutin lang niya ako na deserve daw ni Isabelle ang mga bagay na gusto niyang bilhin. Para talaga silang mag-ama kaya napapangiti nalang ako habang pinagmamasdan sila.
"Mama.." Tawag sa' kin ng anak ko kaya tumingin ako sakanya habang naghihiwa ng sibuyas. Si Reagan naman ay naghahalo sa niluluto niya.
"Ano 'yun anak?" Tanong ko habang kinukurap ang mga mata ko dahil naiiyak ako sa sibuyas.
"Sabi po ni daddy, darating daw po ang baby brother ko." Inosenteng sabi ni Isabelle.
"Huh? Anong baby brother?" Kunot nuong tanong ko. Lumingon pa ako kay Reagan at nakitang kinagat niya ang ibabang labi niya saka nagpa-cute sa' kin.
"Sabi ni daddy nasa tummy mo po daw," saad ng anak ko kaya masama kong tinignan si Reagan na matamis akong nginitian.
"Kailan po lalabas ang baby brother ko mama?" Tanong pa sa' kin ng anak ko na hindi ko alam kung anong isasagot. Lagot talaga 'to sa' kin si Reagan.
Tumikhim si Reagan saka 'to nagsalita. "Anak, pwede bang paki abot kay daddy ang plate?" Saad ni Reagan na agad naman tumalima ang anak ko.
Siniko ko agad ang matigas na tyan ni Reagan saka ko siya masamang tinignan.
"What?" Tanong pa niya.
"Ano na naman pinagsasabi mo kay Isabelle." Inis kong sabi sakanya.
"Sinasabi ko lang naman ang totoo ahh, baka nakakalimutan mo, mon amour, naka ilan na tayo. Ayaw kong mataguan ng anak, Hope kaya mas mabuti ng ipagkalat ko na buntis ka." Sabi niya.
"Pinagkalat?" Tanong ko.
"Oo. Sinabi ko sa kuya ko at sister in law ko pati narin sa mga kaibigan ko sa negosyo." Sagot niya kaya pinalo ko siya sa braso.
"Baliw ka ba! Bakit mo naman ginawa 'yun?" Inis kong tanong.
"Para kung taguan mo man ako ng anak may tutulong sa' kin maghanap dahil alam nilang anak ko ang dinadala mo." Sagot niya saka hinalikan ako sa labi.
Lagi kasing may nangyayari samin ni Reagan. Hindi lang sa gabi, pati na sa umaga. Papasok pa nga lang kami sa companya niya ay pagod na pagod na ako dahil lagi niya akong hinihila sa banyo at do'n ay pinapatuwad niya ako.
Three days narin simula ng sinagot ko siya. Ang walanghiya, sa mall pa talaga ako tinanong kung sasagutin niya ako at pati ang mga staff do'n sa isang mall ay kinuntsaba niya. Nakaluhod pa talaga siya sa harap ko n'ong araw na 'yun habang ang anak kong si Isabelle ay mag hawak na folder at naka sulat ng will you be my girlfriend.
Niyakap ako ni Reagan saka hinalikan ang nuo ko. Ang kamay niya ay hinahaplos ang tyan ko kaya tinampal ko 'to.
"Ito na po ang plate, daddy." Biglang sulpot ng anak kong si Isabelle kaya agad humiwalay ng yakap sa' kin si Reagan.
"Ang galing talaga ng panganay ko," saad ni Reagan kaya napangiti ako.
Lagi pa 'yan silang magkakampi laban sa' kin. Lalo na kapag napapagalitan ko si Isabelle, kaya todo rescue naman si Reagan sa anak ko at inaaway ako na parang bata.
Nang matapos kaming magluto ng spaghetti ay agad kong inayos ang plate sa mesa. Si Reagan naman ay nagsasandok ng pagkain. Araw-araw kaming ganito ni Reagan, kaming dalawa ang naghahanda ng pagkain naming tatlo.
Balak ni Reagan na sa susunod na pasukan ay gusto niyang ienroll si Isabelle sa private school. Kaya n'ong isang araw ay walang tigil silang dalawa sa kakabili ng gamit. Halata sa mukha ng anak ko na masaya 'to habang namimili siya ng bag niya.
"Thank you po, daddy." Naka ngiting sabi ni Isabelle kay Reagan ng lagyan niya 'to ng pagkain sa plate niya.
"Kain ka ng marami anak ha! Anong gusto mong drinks? Choco or juice?" Tanong ni Reagan.
Nagsimula na akong kumain habang nakikinig sakanilang dalawa.
"Gusto ko po ng choco, daddy." Sagot ng anak ko na agad naman tumalima si Reagan.
Bumalik 'to sa mesa habang may dala 'tong chuckie.
Tumingin siya sa' kin saka kinindatan ako. "Ikaw, mon amour, anong gusto mong drinks?" Tanong niya saka lumapit sa' kin at parang may ibubulong sa teynga ko dahil inilapit niya ang mukha niya sa isa kong teynga. "Laway ko o katas ko?" Pilyo niyang sabi kaya kinurot ko ang tagiliran niya saka ko siya pinandilatan ng mga mata ko.
Tumawa lang siya saka naglakad papunta sa ref at may kinuha do'n. Pakiramdam ko ay uminit ang magkabilaang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Nakalunok na naman kasi ako kagabi ng katas niya.
Bumalik si Reagan samin saka 'to umupo sa bakanteng upuan na katabi ko.
Kumakain kaming tatlo at kung ano-ano lang ang pinagkwe-kwentuhan naming tatlo. Mamaya kasi ay balak naming pumunta sa park dahil gustong pumunta ni Isabelle do'n.
Napagdesisyonan namin ni Reagan na pumunta mamaya para naman may makalaro ang anak ko na ibang bata. Sinabihan pa ko ni Reagan kanina na kailangan daw siyang mag duoble kayod sa pag gawa ng kapatid ni Isabelle kaya binatukan ko siya sa ulo.
Nang matapos kaming kumain ay si Reagan na ang nag hugas ng pinagkainan namin dahil kailangan ko pang bihisan si Isabelle dahil pupunta na kami ng park.
Pumasok kami sa kwarto at binihisan ko lang ang anak ko ng leggings para hindi siya kagatin ng lamok. Kumuha narin ako ng blouse niya na alam kung komportable siya habang naglalaro. Nilagyan ko lang siya ng polbo sa likod at sa leeg saka ko tinalian ang buhok niya. Nilagyan ko na din ng maliit na towel ang likod niya.
Nang matapos kong bihisan si Isabelle ay ako naman ang nag bihis. Nag suot lang ako ng short at tshirt para komportable akong bantayan ang anak ko kapag naglalaro.
Lumabas kami ng anak ko sa kwarto at bumaba kami ng hagdan. Nakita ko pang nalukot ang mukha ni Reagan ng makita niya kami ni Isabelle.
"Bakit? May problema ba?" Nagtataka kong tanong ng makita ko ang hitsura niya.
"Bakit ka nak short, mon amour?" Tanong niya kaya tumingin din ako sa suot kong short.
"Bakit? Anong problema sa short ko?" Tanong ko din sakanya.
"Mag palit ka! Ayaw kong naka short ka, mon amour. Mag pajama ka nalang para hindi ka lamukin." Sabi niya kaya masama ko siyang tinignan.
"Ayaw ko. Maglalaro kami ni Isabelle do'n, hindi matutulog." Naka nguso kong sabi.
Narinig ko namang bumuntong hininga si Reagan kaya mas lalo akong napanguso. "Mag pantalon ka nalang," saad niya saka lumapit sa' kin saka ako niyakap. "Please.." dagdag niyang sabi.
"Hindi ba bagay sa' kin mag short?" Tanong ko.
"Bagay. Pero ayaw kong mag suot ka ng ganyan sa labas, mon amour. Ako lang dapat ang makakita niyan." Saad niya.
"Kung ayaw mo talagang magpalit.. sige 'ti nalang suotin mo," sabi niya saka hinubad ang tshirt niya at isinuot 'yun sa' kin. Nagmukha tuloy akong naka dress dahil hanggang tuhod ko ang damit niya.
"Yan. Tapos may malaki akong jacket itali natin sa beywang ko," dagdag niyang sabi kaya napangiwi ako.
"Ang init, Reagan." Reklamo ko.
Inilapit niya ang labi niya sa teynga ko saka 'to nagsalita. "Mas lalo kang maiinitan kapag hinila kita papunta sa kwarto at aangkinin kita sa kama. Mas lalong mainit 'yun." Sabi niya kaya inirapan ko siya.
Wala na akong nagawa ng kunin ni Reagan ang itim na malaking jacket niya at talagang siya pa talaga ang nagtali no'n sa beywang ko. Naka suot narin siya ng tshirt na ka parehong kulay ng damit ko.
Kinarga niya si Isabelle saka niya hinawakan ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng bahay. Hindi ko alam kung matatawa nalang ba ako sa porma ko.
Binuksan ni Reagan ang pintuan sa backseat saka niya inilagay muna si Isabelle do'n. Inayos pa niya ang upuan ng anak ko para hindi 'to mahulog.
Binuksan ko narin ang pintuan ng passenger seat saka ako pumasok sa loob at hinihintay si Reagan na makapasok sa loob ng kotse.
Nang makapasok siya ay agad niyang binuhay ang makina ng kotse at pina-usad 'to.
Tahimik lang ako buong byahe habang si Isabelle ay excited ng pumunta sa park. May malaking plag ground kasi do'n na para sa mga bata. Nakita namin 'yun n'ong isang araw at na kwento ni Reagan kay Isabelle kaya gusto niyang pumunta.
Hindi naman masyadong malayo kaya nakarating kami agad. Humanap lang na parking space si Reagan saka kami bumaba ng kotse.
Magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa park na dinig na dinig namin ang mga tawanan ng mga bata.
Halata sa mukha ng anak ko na sobrang excited siyang makipaglaro.
Nang makapasok kami ay agad na tumakbo ang anak ko sa swing at nakipag usap sa mga bata do'n.
Umupo lang kami ni Reagan sa bench habang pinagmamasdan namin si Isabelle na nakikipaglaro na sa mga bata.
Ipinalibot ko ang aking tingin sa paligid at madami akong nakitang mga vendor na nagtitinda ng mga pagkain sa gilid.
Inilibot ko ulit ang tingin ko at napadako 'yun sa di kalayuan na bench. Nakita ko si Jethro na naka upo do'n kasama ang isang babae at batang lalaki.
Naramdaman niya yata na nakatitig ako dahil lumingon siya sa gawi namin ni Reagan. Tumitig pa 'to at pinaningkit pa ang mga mata niya saka tuluyang kumaway sa' kin.
"Hope!" Tawag niya kaya maging si Reagan ay lumingon din. Naramdaman kong hinawakan ni Reagan ang kamay ko kaya lumingon ako sakanya saka ngumiti.
Naglakad papunta samin si Jethro habang karga-karga ang batang lalaki. "Nandito ka din pala, Hope." Saad ni Jethro ng makalapit siya samin.
"Ahh, oo. Gusto kasing pumunta ng anak k—
"Anak namin ni Hope. Kaya dinala namin dito si Isabelle." Pagpuputol ni Reagan sa sasabihin ko.
"Ahh, mabuti naman kung ganun. Ito nga din anak ko gustong pumunta dito kaya pinasyal ko narin." Sagot ni Jethro.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. "Anak mo? May anak ka na pala?" Sunod-sunod kong tanong.
"Oo, meron na. Andoon 'yung live in partner ko." Sagot niya saka tinuro ang babaeng naka upo do'n sa bench.
"Ahh.. mabuti naman." Sagot ko.
"Anong pangalan ng anak mo?" Tanong ko kay Jethro.
"Gemdale. Kinuha ko sa name ng misis ko." Sagot niya. Nakangiti naman akong tumango. "Nga pala, Hope. Naalala mo pa ba ang kaibigan natin na si Matthew?" Tanong niya sa' kin.
"Oo. Bakit?" Tanong ko.
"Nandito din siya eh, hindi ko lang alam kung nasaan na naman 'yun. Sabi niya may bibilhin lang siya eh," saad ni Jethro habang palinga-linga sa paligid.
Lumingon ako kay Reagan at nakitang magkasalubong ang kilay niya. Napangiti nalang ako dahil alam kung nagseselos siya. Lumingon siya sa' kin kaya mas lao akong napangiti ng mas lalo siyang sumimangit sa' kin.
Mabilis kong inilapit ang mukha ko saka ko siya mabilis na hinalikan sa labi. Unti-unti ay umaliwalas ang mukha nito at mabilis akong hinalikan sa labi.
Si Reagan ang unang humiwalay sa halik na pinagsaluhan namin saka hinawakan ang tyan ko. "Baka nagugutom na ang baby natin, mon amour. Anong gusto mong kainin?" Tanong niya sa' kin.
"Buntis ka, Hope?" Biglang sabat ni Jethro kaya napalingon ako sa gawi niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko eh hindi naman kasi totoo.
"Yes. My future wife is pregnant." Sagot ni Reagan sa seryosong boses. Hindi ko nalang siya sinaway, napahilot nalang ako sa sentido ko saka ako tumingin sa anak kong si Isabelle na naglalaro parin.
"Uy, congrats ha!" Nakangiting sabi ni Jethro saka tumingin sa paligid. "Ayon pala si Matthew." Sabi niya saka siya kumaway.
Maya-maya lang ay may lumapit samin at nakita ko ang isa ko pang kababata na si Matthew. "Hope.. ikaw ba 'yan? Mas lalo kang gumanda." Saad niya na parang hindi makapaniwala na ako 'to.
Umusog ako papunta kay Reagan kaya niyakap niya ako saka ako ngumiti kay Matthew bilang sagot ko.
"Are you hungry?" Tanong sa' kin ni Reagan.
"Hindi pa naman. Ayaw ko lang sila kausap na, pero ayaw pa nilang umalis sa harap natin. Anong magandang sabihin na ayaw ko na silang kausap? Hindi ko alam ang sasabihin eh, paano sila paalisin sa harap natin." Sunod-sunod kong sabi kay Reagan na mahina niyang ikinatawa.
"C'mon, makipaglaro tayo sa anak natin." Nakangiti niyang sabi saka pinagsiklop ang kamay naming dalawa.
Tumingin ako sa dalawa saka ako nagsalita. "Sige, pupuntahan muna namin ang anak namin." Saad ko nalang saka kami naglakad ni Reagan papunta kay Isabelle. Kami na ang nag adjust dahil ayaw yata nilang umalis sa harapan namin.