Hindi ko pa man naimumulat ang mga mata ko ay ramdam ko nang hindi ako nakahiga. Damang-dama ko ang pangangalay at sakit ng tuhod ko dahil sa posisyon ko. It seems like sobrang tagal ko na sa ganitong posisyon.
But wait. Am I in heaven? Namatay na ba ako dahil sa pagkakasaksak sakin? Damn. Hindi pwede to, ang dami ko pang plano. Sobrang dami ko pang pangarap na gustong tuparin. I'm too young and gorgeous to die.
This is insane.
"Inclinen a los tontos,rindan homenaje al Gobernador General!" Biglang tumahimik ang paligid ng may sumigaw out of nowhere which is hindi ko naman nakikita kung sino dahil nakapikit parin ako. Ganito ba dito sa langit? Sunod kong naramdaman ay ang mabibigat na mga yabag. Hindi ko maintindihan pero bigla akong kinabahan. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Na estatwa lang ako sa pagkakaluhod habang parang may kakaibang nangyayari sa aking paligid. Ito ba ang paglilitis sa langit? My gosh.. sabing di pa ako ready eh.
"Lapastangan!"
Napamulat ako bigla ng marinig ang umaalingawngaw na tinig ng isang lalaki. Galit lang sa Earth ganern?
My eyes automatically went out. What the heck! Ganito pala ka gwapo si San pedro? Shet. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang suot nito, nakasuot siya ng parang pang sundalo noong unang panahon. At hindi siya nag-iisa, marami silang nandito, around 40 something. Nang iikot ko ang aking paningin ay nakita ko ang isang mahabang hanay kung saan ay kabilang ako ngunit lahat sila ay nakatayo at bahagyang yumuyuko. Ganito kadami ang ililitis? Pansin ko ring puro kami mga babae, kaso ang pangit lang ng suot nila. Mukha silang mga hanger na pinagsampayan ng kumot. Ang baduy, swear.
Napansin ko ring nandito kami sa harap ng isang napakalaking bahay. I could say, maganda nga ito at napakalaki it's even bigger than my house medyo old style ngalang tong isang toh. Akala ko ba madaming golds sa langit? Scam lang ba yun?
"Tayo!"
Eh? Tatayo daw? Ako? Ayoko nga. Nangagalay pa paa ko ei. Mag request kaya ako kay San Pedro na buhatin nalang ako? Pwede naman siguro yun dahil mabait naman siya. Kaya nga taga langit siya diba. Plus the looks.... San Pedro could pass as a superstar that's superhunk. Damn.
"My feet's numb. Can you just carry me?" Sabi ko ng naka ngiti kay San pedro. Bigla namang nangunot ang noo niya. Awss...damn, bakit ba ganito nalang ka gwapo ang nilalang na toh? Ba't hindi nalang ako namatay ng maaga kung ganoong ganito pala ka gwapo ang taga bantay rito?
Maliban sa pag kunot ng noo ni San Pedro ay nag bulong-bulongan din ang mga tao sa paligid dahil sa sinabi ko. Inggitera.
"San Pedro,Hey. Sabi ko po baka pwede mo'kong buhatin dahil masakit ang paa ko pati tuhod. Pina luhod nyo kasi ako ng matagal. Tch. Don't you guys know na never pa akong pinahirapan like this in my entire life? Look at you, you're so toned. You can carry me even through hell. So come on, hindi ka mahihirapang buhatin ako dahil natuto din naman akong mag diet noh, hindi kagaya niyang mga mukhang palakang kasama ko pinagkaitan ng healing powers ni Vicky Belo or even internet to-"
Napatigil ako bigla ng hugutin nito ang espada niya mula sa tagiliran at itinutok sa leeg ko. Pigil ang hininga ko dahil natitiyak kong anukang oras ay dadampi na ito sa leeg ko oras na gumalaw ako. Am I this forbidden na kahit sa langit ay sasaksakin din ako? This is so unfair. Damn.
Namamawis na ang kamay ko dahil sa kaba. Ano ba kasing mali sa sinabi ko? Sa ginawa ko? Actually wala naman akong ginawa, naka luhod pa nga ako hanggang ngayon eh.
Tiningnan ko si San Pedro na kalmante lng na nakatitig sakin. Parang anumang oras ay papatayin ako ng balat-kayong anghel nato. Ipatapon sana siya sa empyerno dahil sa ugali niya.
"Wait, I didn't do anything wro-"
"Manahimik ka kung ayaw mong magwakas ang iyong buhay Binibini. At wag mong tangkaing gumalaw dahil natitiyak kong tatarak ang espadang hawak ko sa leeg mo," mariing sabi niya. But I am Cruzzette, I don't care.
" I'm pretty sure, yeah, pretty as I am na ipapatapon ka sa empyerno oras na patayin moko San Pedro kaya kung ako sayo, get this f*****g sword of yours which is sobrang pangit naman kasi super old style at mukhang ipinaglihi pa yata kay Jacinto yung design out of my gorgeous neck. Hypocrite!" Nangigilaiting sabi ko. Bahala na kung hindi man ako tanggapin dito sa langit wag ko lang makasama ang gwapo- este gagong San Pedro nato. How dare him na tutukan ako ng espada? Sa dyosa kong toh?
" Ano ba ang pinagsasabi ng binibining yan?"
" Lagot. Mukhang papatayin ata siya ng heneral"
"Baliw ata ang isang yan"
" Sadyang kakaiba ang kanyan kasuotan. Hindi kaaya-kaaya ngunit nakakamangha"
" Baka isama siya sa mga igagarote?"
"Naku...hindi maganda ito..baka isa siyang espiya na ipinadala sa ating bayan"
Nakakarindi ang mga bulong-bulongan nila kaya lalong nadagdagan ang inis ko. Ang ayaw ko sa lahat ay iyong mga chismosa. And social climbers. Inilibot ko ang paningin ko at masama silang tinitigan.
"Will you shut the f**k up?" Inis na sigaw ko sakanila sabay irap.
Kasabay ng paglingon ko ay ang pagtama ng mahinang ihip ng hangin sa aking leeg na dulot ng espadang ngayon ay nakatutok sa akin. Napahawak ako ng mahigpit sa suot kong mini skirt ng hanggang kalahati lng ng hita ko. Namamawis na din pati ang kamay ko dulot ng kaba. Damn. Bakit ganito dito sa langit? All my kife naniwala akong heaven is paradise...why this?
Hindi ko maigalaw ang ulo ko dahil alam kung isang maling galaw ko lang ay tiyak na dadanak ang dugo ko. Iniangat ko na lamang ang aking paningin upang tingnan si San Pedro. Matiim siyang nakatitig sakin na tila ba sinusuri niya ako at binabasa ang nasa isip ko. Sana lang alam niyang crossed out na siya sa pagiging crush ko dahil napaka ungentleman niya. Hypocrite.
"Binibini, nais kong ipabatid na hindi angkop an iyong kasuotan para sa isang marangal na babae. At hindi rin angkop na ika'y hindi nag bibigay galang sa mga taong nakatataas ang antas sayo. Kakaiba ang iyong pananalita, saan ka nagmula? Ikaw ba ay isang espiya?" Sa bawat pag labas ng mga salita sa bibig ni San Pedro ay napapalunok na lamang ako. Syete. Bakit ba kasi kailangang maging ganun ka attractive ang adams apple niya? Nanatili lang akong nakatulala habang nakatitig sa kanya.
At ano ba ang pinagsasasabi ng lalaking to? Espiya? Hindi marangal? Son of Lucifer, sa ganda kong to?
Tiningnan ko muna siya nang masama ngunit ikinukubli ang paghanga sa kagwapuhan niya because as far as I remember, hindi pa naman ako baliw para maakit sa taong tinututukan ako ng espada, but oh, patay na pala ako. But it doesn't matter by the way. Isang malalim na buntong -hininga ang pinakawalan ko bago nagsalita.
" Maria Cruzzette Ruzzo.. the heiress of Ruzzo Chain of hotels ang Real Estate Company, we own a lot of business and Im a well known woman in terms of music industry. Magtatapos sa kursong medesina and nagmamay ari ng maraming rancho, clubs, resorts, and a very influential person... Sa Earth. Ganun ako nung nabubuhay pa ako at alam kung alam mo yun dahil ikaw si San Pedro-" naputol ang pagsasalita ko dahil nagtawanan silang lahat. What the hell is wrong with these humans?.. I mean zombies.. or whatever.
Tumikhim si San Pedro at magsasalita pa sana ngunit nagpatuloy muli ako.
" Mayaman ako okay... at maganda. So will you please stop thinking na espiya ako. And please drop the formality, ang sagwa. At kung gusto mokong ipatapon sa empyerno, I beg of you..naging mabuting tao naman ako nung nabubuhay pa ako. I swear..I never f*****g cursed..as in never!" Itinaas ko pa ang kanang kamay ko na parang nagpapanatang makabayan. Kumunot ng bahagya ang noo niya.
"Paunmanhin Binibini ngunit hindi ko lubos maintindihan ang iyong mga iwiniwika. Batid kong ito'y hindi wikang Español, higit sa lahat.... Jose Damian Rodriguez ang aking ngalan hindi ..... San Pedro" kapagkuway napatanga ako sa kanya. So, hindi pala siya si San Pedro. Eh sino siya? Balat-kayong demonyo to. Makakatikim talaga to sakin kapag nawala na yung ngalay ng tuhod at binti ko.
Inirapan ko nalang siya at inilapit ang hintuturo ko sa dulo ng espadang hawak niya upang mailayo ito ng kaunti sa leeg ko dahil pakiramdam ko ay matutusok ako ano mang oras. Pero hindi ko pa man nagagawa yun ay biglang naigalaw na niya ang espada dahilan upang mahiwa ang balat sa aking leeg. Kinain agad ng kirot at hapdi ang aking leeg. Damn, sobrang hapdi. Pero patay nako diba? Bakit pako nakakaramdam ng sakit? May pakiramdam pa ba ang mga kaluluwa?
Naramdaman ko ang pag daloy ng dugo sa leeg ko papunta sa aking dibdib. Napatingin ako kay Fake San Pedro na mukhang kurimaw, hindi ko inaasahan ang reaksyon ng mukha niya. Napansin kong parang namutla ito at batid ang pagkagulat. Nagsusumamo ang tingin ko sa kanya. Gusto ko siyang tanungin kung bakit? Bakit kailangang saktan niya ko? Hindi pa nga ako tapos mag explain nang side ko. He's so cancelled, for real.
Napapikit ako dahil sa kirot, ang sakit talaga. Narinig kong parang may kung anong bagay ang bumagsak o itinapon. Tila bakal ito ngunit hindi ko na iyon pinansin dahil ang lahat ng atensyon ko ay nakatuon sa mahapding sugat ko. Pilit ko itong ininda at akmang hahawakan ngunit bago ko pa man iyon magawa ay isang kamay na ang dumapo sa aking leeg.
"Huwag kang gagalaw o magsasalita, pakiusap. Hindi ko sinasadya binibini." Isang mabangong hininga ang yumakap sa ilong ko nang magsalita ang tinig sa mismong harapan ko. Ang tinig ng demonyo. Mas napapikit ako ng mariin sa inis bago iminulat ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang napaka gwapong-gagong mukha ni San Pedro, he has this very tantalizing brown eyes. Mata lang talaga sapat na. NO. Mali, sinugatan niya ko sa leeg ng walang dahilan kaya isa siyang kurimaw. Pagkatapos ay sasabihin niyang hindi niya sinasadya, ginagago ba ako neto? Eh kung siya kaya gilitan ko sa leeg ng malaman niya.
Makakamatay ang tinging ipinukol ko sa kaniya bago inilipat ang sa kamay niyang may hawak na panyo na nasa leeg ko.
"Kasalan mo to! Inaano ba kita huh? Nanahimik ako ei! Naranasan mo na bang magilitan huh? f**k you... Oo.. talagang f**k you kang kurimaw na San Pedro ka, wala na akong pakialam kung hindi ako papasukin sa langit. Gago ka , hindi porket gwapo ka-" napatigil ako dahil biglang namula ang kaniyang mukha at tenga. Aba'y.
"At feel na feel mo pang sinabiban kitang gwapong peste ka.. papatayin talaga kitang hinayupak ka. I hate you, damn you. Pareho nating alam na patay nako pero masakit parin yung sugat na dinulot mo.. bwesit ka. Ang sakit talaga-"
" Alam kong kapangahasan ang hawakan ka ngunit manahimik ka o tuluyan ko nang kikitilin ang iyong buhay" nanindig agad ang balahibo ko dahil sa ibunolong niya. Natigilan din ako bigla. Halang ang kaluluwa nang kurimaw nato kaya mas pinili ko nalang na manahimik. Nakatingin lang ang mga tao-este zombie samin na parang wala lang. Deadma sila sa earth-langit ganern. Wala man lumapit para tulungan akong magamot yung sugat ko. Mukhang ngang natutuwa pa sila dahil nasugatan ako. Ang sasama.
"Makabubuting itikom mo muna ang iyong bibig nang sa gayo'y hindi tuluyang maubos sa pagdaloy ang iyong dugo." Bulong nung kurimaw. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya, napapikit nalang ako at napaluha dahil dobrang sakit na talaga nung sugat ko. Kailangan ko nang tulong ng totoong San Pedro, hindi ng balat-kayong Damian blah blah blah nato. Bahagya kong iminulat ang mata ko upang tingnan siya. Pinagpapawisan na siya, mas namutla din ang mukha niya habang seryosong nakatingin sa leeg kong may nakadamping tela na hawak-hawak niya.
Ramdam ko ang pagpintig ng aking pulso malapit sa tinamo kong sugat. Ito ang pangalawang beses na nasugatan ako, ang una ay noong sinaksak ako kagabi ng naging dahilan ng kamatayan ko at ngayon ay itong hiwa sa aking leeg. Ang tunay ko lang na ipinagtataka ay kung bakit nararamdaman ko ang hapdi at sakit sa sugat ko, hindi ba't patay nako? Ayon sa mga narinig ko ay wala na raw pakiramdam ang isang kaluluwa pero taliwas ito sa nararanasan ko. At itong langit... Hindi ko tiyak kung nasa langit ba ako dahil mas mukha itong empyerno but if I would be very honest, parang nasa earth lang talaga ako. Kakaiba ang pananamit ng mga tao, mukha akong nasa sinaunang panahon ng mga Pilipino. At ito ring bahay na nasa harapan namin, although napakalaki nito ay mukha ding sinauna. Lastly, maco-conclude ko talaga na nasa empyerno ako dahil napakainit at tirik na tirik ang araw pero pinapahilera kami sa labas at pinaluhod. May nakabantay ding mga kalalakihang nakauniporme at may hawak na baril. They honestly look like the Civil rights nung Spanish era sa Philippines.... Yeah Civil rights... I guess so? Yun naman talaga siguro ang tawag sa mga gurang- I mean guards noong unang panahon diba?
Kailangan kong makatakas dito. Pero paano? Ano ba ang laban ko sa mga demonyong walang sungay dito? Maliban sa nangangalay ang paa at tuhod ko ay may hiwa din ako sa leeg. Lord, I'm so doomed na talaga. Promise, kapag talaga ipakuha niyo 'ko dito sa empyerno magiging mabait nakong zombie sa kapwa ko zombie. I mean kaluluwa. Kahit di napo mabigyan ng hustisya yung pagkamatay ko sa Earth, ayaw ko talaga dito sa empyerno. Ilayo niyo ho ako sa walang sungay na Anak ni Lucifer na gumilit sa leeg ko.
Naramdaman kong unti-unti nang nanlalamig ang kamay ko dahil sa dami ng dugong nawawala sakin. Hirap na rin ako sa paghinga, ilang ulit ba ako mamamatay? Damn.
Iminulat kong muli ang mga mata ko at tiningnan nang masama ang kurimaw na nasa harap ko. Kung kanina ay noo pa lang niya ang namamawis ngayon ay parang naliligo na siya rito. Bakas din sa mukha niya ang pangamba. Nag-alala ba siya sa kalagayan ko? O nakonsensiya siya sa ginawa niya? But who cares? Not me.
"Dadalhin kita sa manggagamot ngunit wag na wag mong tatangkaing tumakas dahil hindi ako magdadalawang isip na bawian ka ng buhay," ma awtoridad na sabi niya, pabulong lamang iyon, sapat na upang ako lang ang maka rinig.
"What the hell ever! And let go of me...gosh,ang sarap mong jowain!" Sabay agaw ka sa kanya nang panyo at ako na ang humawak nun at mas lalong diniinan ang pressure sa leeg ko. Kupal, ang sakit talaga.
"Ano?"
"Wala, ang sabi ko ang sarap mong sakalin. Kurimaw ka!"
"Pakiusap wag kang magsasalita dahil patuloy na magdurugo ang iyong sugat-"
"Wala kang pake, kasalanan mo naman to,"
Tumiim ang bagang niya kasabay ng pag bago ng ekspresyon ng mukha niya. Napalitan iyon ng inis.
"Itikom mo nga ang iyong bibig,"
"No way. Ayoko."
"Napaka tigas ng iyong ulo. Nawa'y mamatay ka sa katigasan ng ulo mo!" Bulyaw niya.
" Walang'ya kang kurimaw ka!"
" Mierda!" (Damn)
Napahampas nalang ako sa lupa dahil sa inis. Bwesit ang lalaking to. Wala siyang karapatang sagot-sagotin ako ng ganito. He's so cancelled.
"Ganyan nga, itikom mo ang iyong bibig kung ayaw mong mamatay ng mas maaga." Pagkasabi nun ay tumalikod na siya at lumapit sa mga nakahanay na civil rights.
"f**k you ka San Pedro!" I yelled.
Napalingon agad siya ngunit hindi sa direksiyon ko... Inukupa ng alikabok ang hangin dahil sa paparating na mga kabayo. Damn. Parang pumasok lahat niyon sa ilong ko. Napaubo nalang ako. Hindi ko na ininda ang alikabok nang biglang tumigil ang halos thirty na kabayo sa harapan namin, sakay nun ang mga lalaking nakasuot ng uniform kagaya ng mga civil rights na kasama ni San Pedro-este ni Damian blah blah blah.
Napaangat ako ng tingin at nagningning ang mga mata ko ng masilayan ang isang napaka gwapong nilalang. Damn. He was wearing a white suit and a white hat paired with his black boots. Kamukha niya si Paulo Avelino sa 'Goyo' dahil sa suot niya. But he was ten times even more handsome than Paulo. And even a thousand times way more handsome than Jose Damian Rodriguez whose Son of Lucifer. Those deep brown tantalizing eyes, almost perfect square jaw, long and pointy nose, red luscious lips oh damn, bakit ganun ka ganda yung mga labi niya? Plus the mustache- oh men. Ayoko talaga sa mga balbas but this man's an exception. At bakit parang nagningning ata siya? Am I hallucinating or - damn... Is he God?
I blinked countless of times. Trying to convince myself kung totoo ba 'tong nakikita ko. Am I seeing God?? No f*****g way!
But there's no wrong in believing that it was him. Bakit ba hindi ako informed na gwapo pala ang Diyos?? Humayghadd, I can't breathe. f**k.
Dang.
Biglang may pumasok na idea sa utak ko.Yeah right, sa kanya ako hihingi ng tulong. I need to get out of this hell. Mas gusto ko sa langit. I want to have a peaceful life and live in a paradise, and this place is far from what I dreamed of. And this man,is my escape. Siya ang magtatakas sakin dito sa empyerno papuntang langit. Omg, dadalhin niya 'ko sa langit. Aaaaccckkkkk!
Okay. Maria Cruzzette Ruzzo. Isa akong virgin Mary, I was born virgin and I died virgin. Wala naman sigurong masama kung kaluluwa ko ang makaranas ng langit. Uh, gross. This is so not me talking.
"Hey!" I tried saying it politely. Kailangan plus points ako sa kanya para tulungan niya akong makaalis dito sa empyerno.
Hindi siya lumingon.
Snob amp.
"Hey again!" mas nilakasan ko pa yung boses ko kahit sobrang sakit sa leeg.
Hindi pa rin lumingon. Para lang siyang tuod na nakasakay sa kabayo niya. Nauna pa ngang lumingon yung mga tao sa paligid.
Nang makababa siya sa kabayo niya agad na nagsi yuko ang mga tao. Oh diba?? Sabi ko na, si Lord talaga to eh. Nakiyuko na rin ako pero mabilis lang dahil gustong-gusto ko talagang tignan yung mukha niya. Kung nasa Earth lang ako, nilandi ko na to. He has the looks man,mas gwapo pa nga siya keysa sa mga model at artistang nakilala ko. At kahit ang panget ng damit niya ang ganda pa din tingnan kasi ang ganda ng katawan niya. Hustisya naman sa kagwapuhan at kakisigan mo Lord!
Nakita ko ang kanang kamay ni Lucifer na nag lakad papalapit sa kanya at yumuko sa harap niya. Tinanguan niya lang ito at hindi pinansin. Ganyan nga Lord, ang sama ng ugali niyan noh.
"Gobernador Heneral, narito na po ang mga kababaihang nais na manilbihan sa inyo. Limampu't anim ang bilang nila ngunit may isang tila may sakit sa utak at mukhang bayarang babae. Ang hinala ko ay nagbabaliw- baliwhan lamang siya, mukhang espiya siya ng mga tulisan" bulong ni fake San Pedro pero dinig na dinig ko naman. Lumingon sakin si Lord at matiim akong tinitigan. Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis. Ganto dapat para ma fall ka sakin Lord.
Seryoso lang siyang nakatingin sakin. Sineseryoso na talaga niya ako and the next thing is he's gonna marry me. Sinalubong ko ang mga tingin niya. I tried to look as pitiful as I can be, kailangan maawa siya sakin para tulungan niya ko.
"Siya ba ang tinutukoy mo?" His voice was so deep. Ewan ko ba pero parang tumagos iyon sa bawat hibla ng katawan ko.
"Opo heneral," sagot ni Jose Damian kuno.
Ako ba ang tinutukoy niyang espiya at mukhang p****k at may sira sa ulo? Eh kung pektusan ko kaya siya. Sa diyosa kong to, pagkakamalan niya akong ganun? Dzuh, uso ba sa langit ang ganito? I'm so stressed na talaga.
" The hell! Wag kang maniniwala sa lalaking iyan. Hindi mo nga dapat siya hin-hire na maging San Pedro, masama ang ugali niyan. Inespada ako ng kurimaw na iyan. He's an hypocrite. Tingnan mo tong leeg ko na nag durugo, kagagawan to ng lalaking yan. Kala mo kung inaano eh. Bwesit! " mahabang wika ko. I don't care even if my throat went out. Sadyang wala lang talagang hustisya, I need to make Him believe na ako ang inosente. Ako naman talaga ang biktima dito eh!
Nanatili lang siyang nakatitig sakin. Pero iba na ang titig niya ngayon. Walang reaksyon na mababakas sa mukha niya pero nakikita ko sa mga mata niya ang pagkadismaya na may kasamang pagtataka at inis.
I smiled awkwardly.
"Ako lang to Lord oh, ang magandang nilalang na nilikha mo at na pinatay ng walang kaawa-awa sa Earth, hahayaan mo bang apihin din ako dito sa langit?" I blinked my pretty eyes twice and started crying my throat out. Pinilit ko ring kumawala ang mga luha sa mata ko para mas makatotohanan.
Napasinghap ang mga tao sa paligid. Nangunot din ang noo ni Lord pero umasim naman yung mukha ni Jose Damian. Mukhang sakin na Siya papanig. Paybtawsan everywhere people.
"Lord, ilayo mo na ako sa demonyong yan please, I beg of you. Magiging mabait na kaluluwa talaga ako. I don't like it here in hell ahuhhuuuhuhuhuu"
Mas nilakasan ko pa yung iyak ko at may pa gapang effect pa. Ngayon ko lang talaga ipapahiya ang sarili ko. f**k. This is not so me, but I have to do this.
Nilakasan ko pa yung iyak ko. Yung malakas na malakas at tumingala sa langit sabay taas ng isang kamay ko na hindi nakahawak sa sugat at ipinosisyon iyon na parang may inaabot ako mula sa taas. Best actress award really goes to me-
"Dakpin ang babaeng yan at dalhin sa piitan... ako mismo ang papatay sa kanya"
Literal na nanayo lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa huling sinabi niya.
Magulo ang mga sumunod na nangyari. Tinakpan nila ako ng kumot at sapilitang dinakip habang ako naman ay halos mamatay na sa pagpupumiglas mula sa kanila.
But I failed.
In the end, natagpuan ko na lang ang sarili kong naka kulong sa isang madumi, mabaho, madilim at malansang kulungan na tila hindi kailanman nasisinagan ng araw.
And there,
I laid hopeless.
Lahat nalang ng inaakalang kong tutulungan ako ay sila rin pala ang makakasakit sakin. Ganito ba ako kasamang tao o kaluluwa?
Napahikbi nalang ako at pilit na ininda ang sakit ng sugat sa leeg ko.
I'm hopeless as f**k now.
-binibiningusasaya?