Chapter 2: Reunion with My Ex

1708 Words
Pasadong 9 p.m. sa mansion ng mga Fuentebella dumating sila Henry kasama ang mga kabarkada nito. Maingay ng mga ito habang paparating sa kinaroroonan ng mansion. Rinig na rinig niya pag harorot ng kanilang mga dalang sasakyan. "Yaya Mercy!", tawag ng lalaking pasuray suray na nagmula sa labas ng mansion. "Henry, kayo pala! Anong ginagawa ninyo rito?” "Nasaan si Valerie?" patanong na wika nito. “Nakainom ka yata? Umuwi na kayo at bumalik na lang sa ibang araw. Pagod yon kaya nagpapahinga na!", giit ni Yaya Mercy. “Hindi ako aalis dito hanggang hindi ko nakikita at nakakausap si Valerie!" "Yaya Mercy!", tawag niya mula sa likuran ng kinatayuan ng mga ito. "Sige na po ako na ang bahala sa kanila." "Ay siya, maiwan ko na kayo at magsisimula na ang “Pangako Sa’yo”. Isa sa mga teleserye na paborito ni Yaya mercy ay ang “Pangako Sa’yo” dahil palage nga niya bida sa mga nakakausap nito na kamukhang kamukha niya daw si Kristine Hermosa. Napapatawa na lang siya rito habang tinitignan ang papalayong imahe nito. "Sige po, Yaya Mercy.", pahabol niya wika rito. Wala siyang nagawa kundi ang harapin si Henry. Kilala niya ito na sunod sa layaw ng mga magulang. Kaya pakiramdam nito lahat ng gusto nito makukuha. Bukod sa kababata niya ito, magkaibigan rin ang kanilang mga magulang. Malapit ito lalo sa daddy niya. "Henry, what are you doing here? Nakikita mo ba kung anong oras na? Nakakabulabog na kayo ng mga taong gusto ng magpahinga." "Valerie! Mahal na mahal kita simula noon at hanhgang ngayon. Bakit hindi mo rin ako magawang mahalin, huh?”, tanong nito sa kanya habang pasinok sinok ito dahil sa kalasingan. “Alam mo naman na ang sagot diyan, diba? Kailangan ko bang ulit-ulitin na wala akong nararamdaman para sayo? Pagkakaibigan lang ang kaya kung ibigay sa iyo. Kaya nakikiusap ako na tigilan mo na ako!" "Bakit Valerie? Mahal mo parin ba ang bastardong si "Aaron, Huh!?" Hindi agad siya nakapagsalita sa tindi ng pagkakahawak nito sa kanyang braso. "Sabihin mo nga sa akin mahal mo parin ba ang bastardong yon?" "Aaron, Aaron!" Na naman? Alam mo nga at halos ilang taon nang walang balita kung nasaan na siya ngayon”. "Kung sabihin ko sayo na nagbalik na siya, siya parin ba ang pipilin mo?!" Hindi siya nakapagsalita sa pagkagulat ng mariing niya mula rito na nagbalik na si Aaron. Hindi niya alam kung ano ang dapat na maramdaman na ngayong nagbalik na ito. Pero mayroong bahagi sa puso niya na parang nabuhayan. Sana maayos pa ang lahat sa pagitan nila ni Aaron. Hanggang ngayon si Aaron pa rin talaga ang laman ng puso niya. Aaminin niya iyon. Kahit sabihin pa ng isip nya na tama na at tapos na kung anong mayroon noon sa kanila. Pero hanggang ngayon wala pa ring ibang minamahal ang kanyang puso kundi si Aaron lamang. "Henry, bitawan mo ang alaga ko. Kung hindi ipuputok ko sa ulo mo ito!” Sa pagkagulat niya nang makita si Yaya Mercy na hawak nito ang baril ng daddy niya bigla siya bumalik sa ulirat. "Yaya Mercy, put it down please?" Binitawan naman siya ni Henry. Kaya walang nagawa si Henry kundi ang umalis na lang dahil maging ang mga kasama niya ay natakot na rin at tumakbo na palabas. "Tandaan mo Valerie, akin ka lang! Tandaan mo, huh!", pahabol na sigaw nito bago lisanin ang mansion. "Yaya Mercy, ano ka ba? Tinakot mo ako! Akala ko talaga babarilin mo si Henry.” "Valerie, hanggang nabubuhay ako ay poprotektahan kita. Lalo ngayon na hindi ka na kayang ipagtanggol ng daddy mo dahil sa kalagayan niya," sabay tulo ng mga luha nito. Lumapit siya kay yaya Mercy. Niyakap niya ito ng mahigpit. “Kaya love na love kita eh.” Pinunasan niya ang mga butil ng luha nito. “Si Aaron ba, love mo parin?” tanong ni Yaya Mercy habang pangiti-ngiti ito. "Hahaha! Yaya, stop it!" Tumalikod na siya para hindi nito makita ang pamumula ng kanyang pisnge. "Goodnight, Yaya mercy. Matutulog na po ako.” Pagdating niya sa kwarto ay humiga siya sa sa kanyang kama nang patihaya at napapangiti pa rin siya dahil sa pagbabalik ni Aaron. Pero bigla ring napawi ang mga ngiting iyon dahil alam niya na hindi na tulad noon kung anong mayroon sa kanila dahil sa ginawa ng daddy niya sa ina nito, kay Nanay Silya. Agad naman niyang ipinikit ang mga mata upang matulog na sa mga oras na iyon. ( Ang muling pagkikita ) Sinadyang pumunta ng mas maaga dahil gusto na niyang makita ito. Kung paanong naghihirap sa hatid ng unang araw ng kanyang paghihiganti. Ngunit sa bandang dako ng puso niya ay gusto niya na talagang makita ito at anong itsura nito ngayon matapos ang ilang taon. Parte sa mga plano niya na makitang nahihirapan ang unica hija ni Don Carlos Fuentebella. “Sa paraang ito ay maiipaghiganti ko na ang aking inay.” Napakuyom ang kanyang dalawang kamao ng maalala ang pagpaslang sa kanyang ina. "Sir Aaron, nandito na po tayo," wika ni Mang Larry. “Thank you, Mang Larry. Hintayin mo lang kami dito sa sasakyan. Banjo, let's go" "Yes, sir! Nanginginig pa, hehehe. Pabirong sagot nito sa boss. "Puro ka kalokohan!Yung mga papeles nandyan na ba? “Kumpleto na po sir! Ang kulang na lang ay ang matamis mong ngiti. Biro lang, sir!” wika ni Banjo. “Tarantado, tara na!" Humahangos pa si Yaya Mercy ng umakyat ito sa silid niya. "Yaya, what's wrong? Bakit namumutla ka? pagtatakang tanong niya rito. “Eh si si ano, na-nasa-", pautal utal na sagot nito. Kaya bumaba agad siya para tukoyin kung sino ang mga ito. Laking gulat niya nang makita si Aaron.Halos ang laki ng pinagbago nito. Lalong kumisig at tumikas ang katawan nito. Tumangkad na para bang pang hollywood actor ang datingan nito ngayon - younger version ni Brad Pitt. Malayo sa dating Aaron. Gwapo na siya noon pa pero payat, kabaliktaran ngayon na matipono. Kitang kita sa all black outfit na suot nito ang ganda ng pangangatawan na mayroon ito ngayon. Ang mga mata nitong kapag nagkamali kang titigan sigurado matutunaw ka sa ganda ng mga iyon. "Pumunta ako dito para kunin ang Fuentebella Mansion bilang kabayaran sa pagkakautang ng daddy mo. Dahil hindi niya na nabayaran ang pagkakautang, itong mansion ninyo ang ginawa niyang colateral.” Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa sa mga narinig mula rito. ”I don't understand. Paanong nagka-utang sa’yo ang daddy ko?”, pagtataka niyang tanong. "What's going on?, yon lang ang mga katagang nasambit niya habang sapu-sapo niya ang kanyang ulo dahil sa pagkagulat sa mga nangyayari. Hindi niya maiwasang mapatingin sa dating kasintahan. Ang mga labi nito na kulay cherry, magulo ang buhok nito na kulay itim na halatang kagigising lang ng bumaba galing silid nito. Pero hindi hadlang iyon dahil sa napakanda nitong alindog ng katawan sa suot nitong sexy blue sleepwear. Parang mayroong gustong kumawala sa kanyang p*********i sa mga oras na iyon. "Aaron, let go of my arm! Ano ka ba? Can't you see I'm hurting?” "Sir Aaron, nanggigil na agad sa kagandahan ni Ma’am Valerie. Hoy, sir!" nakangising biro ni Banjo. Bumalik siya sa ulirat at bigla niyang binitawan ang braso nito. Kasabay iyon tiningnan niya ng masama si Banjo. "Bullshit, Banjo!", malakas na sigaw niya rito. “Ibigay mo na sa babaeng yan ang katibayan na pagmamayari ko na ang mansiong ito" Ibinigay ni Banjo ang isang folder rito. Bumuhos ang mga luha niya at ang kanyang mga tuhod ay unti-unting nawawalan ng lakas. Dahil sa nakita nito na wala na kahit ang mansion nilang ito. "But you have one option” Lumapit ito sa kanya na halos parang maglapat na ang kanilang mga mukha kaya’t pilit niyang inilayo ang sarili rito. Muling naglakas loob magsalita. "Ano yon?” "Marry me and this mansion will be yours again!", walang kagatul-gatol na sinabi iyon. "What!?” Sa pagkagulat niya muntik na siya matumba. Mabuti na lang at napahawak siya sa sofa. “Plinano mo ba ang lahat ng ito, huh!?" "I don't have time to explain at all. Tandaan mo na ikaw at ang pamilya mo ang may atraso sa'kin. Kung tutuusin, pwedeng-pwede ko na kayo palayasin ngayon. Pero dahil may pinagsamahan naman tayo kaya binibigyan kita ng hanggang dalawang araw para magpasya.” "You're crazy! Why are you doing all this? Wala akong nagawang kasalanan sa’yo? Siguro ang pamilya ko, oo. Pero ako, huh?!" Habang ang kanyang mga luha ay walang pagsidlan, muling lumapit ito at hinawakan ang dalawa niyang kamay. Isinandal siya nito sa pintuan at pabulong na sinabe nito na- "Ang lahat ng pag-aari ko ay akin lang, ayoko ng mayroong kahati. So be a good girl, baby girl!Understood, Mrs. Anderson?” "Paano kung ayaw kong magpakasal sayo? Anong gagawin mo?, pasinghap niyang sagot rito. Hinawakan nito ang kanyang panga at boong igting na hinawakan iyon pagkatapos bigla siya nitong binitawan at tinitignan ng matatalim na tingin. Napaupo siya dahil sa ginawa nito. Mabuti na lang at naitukod niya ang isang kamay bago pa siya bumagsak sa semento. "Papatayin mo ako? Sige gawin mo kung iyan ang ikakasaya mo.” Luhaan siyang tumayo habang sinasabe ang mga katagang iyon. "Aaron.. Minahal kita noon. Alam kung alam mo yan!" Natigilan siya sa mga sinabe ng dalaga. May kirot iyon sa puso niya na hindi niya mawari kung saan ito nagmumula. "Valerie, huh? Coming from you? Minahal? Just bullishit! Wala akong pakialam kung ano ang nararamdaman mo.” Kahit ang totoo sa puso niya ay mayroong punyal na tumutusok sa tuwing nakikita niya na nasasaktan ito sa mga masasakit na salitang binibitawan niya rito. "Basta manininingil ako sa lahat ng mga may pagkakautang sa akin!" Madilim ang mukha nito ng tumalikod ito. Halos hindi siya nakagalaw sa lahat ng mga narinig niya mula rito. Napahahugolhol siya ng iyak na para bang batang inagawan ng candy. "Banjo. Let's go!" "Opo sir!" Si Banjo naman ay nakaramdam ng awa para rito kaya tanging ngiti na lang ang iniwan nito bago tuluyang umalis. Wala naman itong magagawa dahil isa lang itong hamak na personal assistant ng boss nito. Ito pa rin ang nasusunod sa lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD