Katulad ng plano nila ng kanyang ama, nauna sila kung saan ang meeting nila sa bastardo. Ikinuyom niya ang dalawang kamao. "Makakaganti narin ako sayong bastardo ka!" bulong niya' habang sinisimsim ang kape na ibinigay ng isang staff, magmula pa kanina sa pagdating nila. "Hello Banjo, tawag mula sa kabilang linya' Narito na kami sa Grand Cafe, mukhang tama nga si Sir Aaron. Dahil sa paligid ng Grand Cafe may mga armado lalaki ako na namataan," Naka loud speaker iyon' kaya rinig na rinig niya ang usapan ng mga ito. Kinuha niya ang selpon mula kay Banjo. "Hello Bert, magbantay lang kayo diyan at ihanda mo ang mga tao natin, huwag kayo mag-pahalata na nariyan lang kayo sa paligid. Gusto ko surpresahin ang matandang tuso! Kung tuso siya mas tuso ako," "Copy Sir Aaron!", Pagkatapos ibinalik

