Fifty-two

1408 Words

LET'S meet at the usual park later this evening. Muling basa ni Demi sa mensaheng natanggap ng pinsan sa mail nito. Kung tutuusin ay wala namang kahina-hinala sa nakasulat na 'yon. Walang eksaktong lokasyon at oras ang nakalagay kaya hindi niya alam kung ano'ng magiging reaksyon niya. Sinubukan na rin niyang basahin pa ang ibang mensaheng natanggap nito sa mga nagdaang araw. Saka siya tila natigilan nang may maalalang pagkakaton na nagsimulang mag-iba ang ugali ni Jim, maging ang madalas nitong pag-alis ng mag-isa. Doon ay nagkaroon na siya ng duda nang tingnan niya sa GPS ng mga lugar na madalas nitong puntahan sa mga nagdaang araw. Saka niya napansin ang partikular na parke na marahil tinutukoy sa message. Kumuha siya ng kapirasong papel at isinulat mula roon ang address ng lugar.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD