"Liana, could you please mop the floor in row CA?" Napapitlag si Iliana sa narinig, naroon kasi siya sa stockroom na nag-aayos ng mga frozen boxes na hindi naman talaga niya trabaho. Hinarap niya ang manager ng fastfood chain na kaniyang pinagtatrabahuhan bilang isang part-timer. "Opo," sagot niya. Isinuot muli niya ang cap na tinanggal kanina dahil batid niyang hindi mawari ang buhok niyang nagulo na. Nagmamadaling kinuha niya ang mop at spray. Tinungo niya ang tinutukoy na lugar ng manager na lampasin daw niya. Hindi naman iyon ganoon kadumi tulad ng iniisip niya. Nagsimula na siyang linisin 'yon mahirap ng masita na naman siya at ibigay sa kaniya ang mga mabibigat ng trabaho. Dahil malayo ang iniisip niya sa kaniyang ginagawa. Muli na naman kasing nanariwa sa kaniyang alaala ang

