Ilang araw na lang ang bibilangin sa school program nila Daniella, kaya minsan ang ibang subject nila ay walang teacher dahil sa mga estudyante na mayroong ginagawa sa campus gym nila. Nagtatayo ang mga ito ng mga booth na puwede silang pumunta. Napansin ni Daniella na mayroong wedding booth, coffee booth, photo booth at marami pang iba. Sila ngayon ni Bree ay nasa upuan ng gym sa gilid at nakamasid lang sa mga estudyante na abala sa ginagawa nila. Nakapangalumbaba si Daniella habang nakatingin sa mga booth pero ng napansin ito ni Bree ay bigla nitong tinabig ang braso niya kaya muntik na siyang sumubsob kung hindi siya nakapag-balanse. "Bakit na naman?" nagtataka niyang tanong. "Hindi mo ba alam na masama 'yang gawain mo na 'yan." Kumunot ang noo niya. "Alin ang paglagay ng palad sa ba

