Lumipas ang oras at nakahanda na ang damit nila Daniella na dadalhin at sa mga oras na ’yon ay naroon na sa eskwelahan ang mga estudyante. Naka-upo na sa kanilang nakalaan na upuan si Bree at William, pero ng mapagawi ang mata ni William sa mga babaeng estudyante ay hindi niya napansin si Daniella na naroon at naka-upo. Kumunot ang noo niya at lahat ng naka-upo na babaeng estudyante na kaklase niya ay tiningnan niya, pero hindi talaga niya makita si Daniella. Nagsimulang tumugtog ang graduation march at umpisa na rin ng graduation ceremony, pero ang atensyon ni William ay na kay Daniella pa rin. Hindi siya maka-pokus kaya ginagawa na lang niya ang ginagawa ng mga kaklase niya. Ilang sandali pa ay natapos ang graduation march at ang sunod ay ang pagsasalita ng mga teacher, guess speaker, p

