Muling nagsalita ang host at pina-babalik na ang mga candidates sa stage. "To all candidates, please go back here and we will start the program again for coronation!" "Basta manalo o matalo ka. Ikaw pa rin ang pinaka-maganda." Nakangiting pinapagaan ang loob ni Bree si Daniella. Isang ngiti ang isinagot ni Daniella bago muling pumunta sa stage. Kung kanina ay may kaba sa dibdib niya mas doble ang kaba niya ngayon. Kahit hindi siya ang manalo ngayon ay okay lang pero grabe pa rin ang kabog ng puso niya. "Hindi naman 'to isang malaking pageant, pero ang mga judges ay talagang nahirapan. Bibigyan ko na kayo ng clue, tatlo sa candidate ang medyo nahirapan ang mga judges base sa sagot nila sa question, pero isa lang talaga ang outstanding sa lahat." May lumapit na estudyante at inabot ang is

