DANIELLA Nakabalik na si Daniella sa bahay nila ni Bree, at nakita niya nga si Alexander na nandoon habang nagsusumiksik sa tabi ng kasintahan nito. Napangiti siya habang palapit sa dalawa. "Hindi na naman kayo mapaghiwalay." Umirap si Bree at tiningnan ng masama si Alexander. "May trabaho 'to. Ayaw lang pumasok at ayaw sabihin ang dahilan." "Namimiss nga kita kaya ako nandito." Paglalambing pa nito kay Bree. Natatawa na lang siya minsan sa dalawang magkasintahan na 'to. Minsan parang magka-away na parang mga highschool students, yun pala may crush na yung isa kaya ganun ang ginagawa. "Sige na doon ka muna sa malayo. May pag-uusapan lang kami ni Bree." Request niya kay Alexander. Tumayo naman ito at pumunta sa labas. "Ano naman ang sasabihin mo?" "Nakita ko si William." Nanlaki a

