Chapter 14

1544 Words

Eksaktong alas-tres nang huminto ang sasakyan nila sa harap ng Montenegro Grand Hotel. Makapal ang ulap sa ibabaw ng lungsod, at nagsisimula nang bumagsak ang maliliit na patak ng ulan sa salamin. Mula sa labas, tahimik at elegante ang hotel, ngunit sa loob ay abala ang staff sa paghahanda para sa sunod-sunod na events. Hawak niya ang floor plans habang kasunod niya sina Nina at Marco. Hindi niya nakalimutan ang huling mensahe ni Jack. Sinabi niyang siya lamang ang kailangan nito, kaya sinigurado niyang kumpleto ang team niya. “Para ka namang sasabak sa gyera,” mapanuksong sabi ni Nina habang pinagmamasdan ang tatlong folders sa braso ko. “Site inspection ito,” seryosong sagot ni Alex. “Mas mabuting kumpleto kaysa may makalimutan.” “Folders ba talaga ang proteksiyon mo kay Jack?” natata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD