CHAPTER 13 BOOK 2 RINA POV “Hi, Mr. Nathan Stevenson, I am Jinelle Cruz, Erina’s fiancé. Nice to meet you,” sabat ni Jin, at siya na mismo ang nagpakilala sa sarili niya. Biglang nawala ang masayang ngiti ni Nate dahil sa kanyang narinig. “Oh, I didn’t know that Erina is getting married,” sagot ni Nate, pilit ang ngiti pero halata ang tensyon sa mga mata niya. “Now you know,” maangas na sabi ni Jin, sabay abot ng kamay kay Nate para makipagkamay. Sa loob-loob ko, para itong silent agreement na nagsasabing “Keep your distance, back off.” Nag-abot ang kanilang mga tingin, at para bang naglalaro ang emosyon sa pagitan nila. Si Nate, pilit na maging pormal kahit na pinakitaan agad siya ng angas ni Jin. “Rina, bakit hindi mo sinabi sa akin na engaged ka na?” tanong ni Nate, halatang na

