CHAPTER 18 BOOK 2 RINA POV Yung papakasalan ay hindi pa namin alam ang name. Ang bilis kasi, biglaan lang. Baka kasi nabuntis na yung girl kaya siguro minamadali na. Grabe, I really don’t know what to say or even react. Totoo ba ito? Ang fiance ng pinsan ko ay ang kambal ni Jin? So ang sinasabi ni Claire na aatenan nilang kasal ng fiance niya ay ang kasal ko? Tapos ipapa-proxy niya ako bilang witness sa sarili kong kasal? I couldn’t hide my laugh. Literally, I laughed out loud na pinagtaka naman ni Jin. I couldn’t stop laughing. I took a deep breath para lang maipaliwanag ko kay Jin ang lahat. “Jin, pag uwi na lang natin, saka ko ipapaliwanag.” Napatingin siya sa rearview mirror at sinilip si Nate na tulog na tulog pa rin sa backseat. ‘So, saan ko nga pala dadalhin yang ex mo?”

