CHAPTER 6 BOOK 2 JIN POV “Sige, since ito na ang huli nating pagkikita, sasabihin ko na rin sa’yo kung ano ang napag-usapan namin ni Dr. Nick…” Nakinig lang ako ng maigi kay Rina kahit na nag panting ang tenga ko sinabi niya na ito na ang huli naming pagkikita. As if naman na hahayaan ko ulit na mawala siya sa ikalawang pagkakataon. Destiny na mismo ang gumawa ng paraan para muli kaming magkatagpo. Naala ko ang sabi ni Mommy noon na kung kami talaga ang para sa isa’t isa, fate will find its way para magkatuluyan kami. “Ang sabi ni Dr. Nick, may dinner date daw kami. Ipapakilala niya na raw ang girlfriend niya sa akin at may announcement sila kaya I have to be there. Happy now?” sabi niya at hindi na nagpa-awat na lumabas ng office ko. Hindi ko na siya sinundan pa o pinigilan man la

