CHAPTER 4 BOOK 2 RINA POV “Kaya ba pinili mo si Dr. Nick? Mas masarap ba humalik ang may edad na? Mas may thrill? Mas magaling sa bed?’ What the heck? I can’t fathom what this rude and perverted man just said. The level of his prejudice against me—I just can’t! Lumapit pa talaga ang walang hiya at idinikit pa ang distansya naming dalawa. I clenched my fist in anger. Gusto ko na naman siyang sampalin, ah no, gusto ko na siyang suntukin at paduguin ang bibig niya. Konti na lang talaga at dadapo na ang kamao ko gwapo niyang mukha. “What’re ya tryin’ to say? Imma b*tch?” mahinahon kong sabi at kusang lumabas ang American accent sa aking dila. Kalmado man ang boses ko pero ang kaloob looban ko ay nag-aalab na sa galit. Sumilay na naman ang nakaka-irita niyang ngisi. “I’m just asking.

