Chapter 48 NICK POV “So, ganun na lang? Paano naman ang dinungisan mong pangalan ko?” Agad na kumalas si Era sa pagka kayakap sa akin nang dumating si Tom sa office ko. Bagaman kalmado lang naman ang kilos at pananalita niya ngunit ramdam ko sa kanyang boses at mga titig na kinapopootan niya ako. “Nickolo Gaudin, kumusta naman? How can you sleep at night knowing you put an innocent man in prison?” aniya, ang tono niya’y malamig ngunit may halong poot. I understand his sentiments kaya mas minabuti kong manahimik at huwag sabayan ang kanyang galit. “Era, pwede ka nang umuwi,” sabi ni Tom kay Era kahit na sa akin siya nakatingin. “Tom, please–” “Era! Please. Mag-uusap lang kami,,,” Natahimik si Era at sumunod na lang. Lalabas na siya ng office ko kaya pati si Eliz ay pinalabas ko

