CHAPTER 103 KAPANSIN-PANSIN na wala buong maghapon wala sa mood si Lavi at nagsisimula na mainis si Kirsten. Pakiramdam niya kasi ay kasalanan niya kung bakit ito ganoon ngunit hindi niya alam kung ano ang dahilan nito. Kinakausap niya ito palagi ngunit tumatango at iling lang ito. Nauubos ang pasensya niya. Kanina pa ito nasa harapan niya at nag-ssketch habang siya naman ay nakaupo lang sa katapat na sofa. Nakatingin siya sa mga kilos nito. Mukhang focus na focus ito sa ginagawa dahil nakakunot pa ang noo. Huminga si Kirsten nang malalim bago tumayo at lumapit sa nobya. Dumukwang siya saka hinawakan ang noo nito upang hilutin ang noo. Nagulat si Lavi sa ginawa niya at natigilan. “A-anong ginagawa mo?” “Masyado kang naka-focus sa ginagawa mo. Iyong noo mo, nakakunot. Gusto mo ba magka-w

