Agnes * * babe pinagluto kita ng carrots." malambing na bungad ni leo para akong walang narinig napabuntong hininga ito, mag iisang buwan na ako dito, magaling narin ang sugat sa balikat at braso ko, hindi narin ako dinudugo araw-araw sinusuyo ako ni leo pero hindi ko siya pinapansin. babe kausapin mo naman ako " malongkot na wika nito naglakad ako palabas ng kwarto nilagpasan ko si leo narinig ko ang pagkabasag ng plato. hindi ako papayag na maulit ang nakaraan. muntikan na mawala ang baby ko dahil sa selos nya. hindi niya pinakinggan ang paliwanag ko basta lang niya ako hiniwalayan at pinapirma ng annulment, pero nang malaman niyang buntis ako tinapon niya ang pinirmahan ko. napagtanto siguro na siya ang kasama ko sa isla bago ako nabuntis. kaya malalaman agad niya na sakanya ang

