"Rigal?" Sinilip ko si Rigal sa kama; wala na pala siya ro'n. Hindi ko namalayan ang paglabas niya sa silid habang inaayos ko ang mga gamit namin. Pabalik na kami sa Manila dahil may pasok na sa trabaho ang asawa ko bukas. Dapat nga ay kaninang umaga pa kami uuwi, kaso tinanghali kami ng gasing kaya kumain na lang din muna kami ng tanghalian dito kina mama. Lumabas ako ng kwarto; hinanap si Rigal. Natagpuan ko siyang na sa sala kasama sina mama at papa. Hindi ata nila 'ko napansin dahil abala pa rin sila sa pagtatawanan. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan si Rigal na pangisi-ngisi. Napatingin ako sa album na hawak ni mama; tinitigan nila iyon 'tapos may inabot na picture si mama kay Rigal. Nilagay ng asawa ko iyong picture sa wallet niya. May sinasabi si mama pero hindi ko marinig

