"How's your mom by the way?" Maarteng sumipsip ang mommy ni Rigal sa juice niya habang kausap si Claire. "She's fine as always, tita. Miss niya na nga raw kayo. She'll set a date with you kapag hindi na raw po siya busy." Napakaarte ng tawa ni Claire. Wala akong ibang ginawa kundi magtiyaga na lang sa pagkain kahit ang pait na ng panlasa ko kakarinig sa pinag-uusapan ng dalawa. Ang pait sa pakiramdam. Ako iyong asawa ng anak niya pero parang si Claire ang kung tratuhin niya ay anak. Ni'hindi ko nga maintindihan kung bakit siya nandito samantalang hindi naman siya parte ng pamilya; wala naman silang relasyon ni Seval; si Rigal ay akin na. Pagsulyap-sulyap ako sa asawa ko habang kumakain kami. Tahimik lang siya ganoon din ang daddy niya at si Seval. Ang nakakabasag lang talaga ng eardr

