"Mauna na 'kong maligo." Pumasok si Rigal sa banyo pagkatapos na pagkatapos naming magsalo sa kama. Ilang segundo pa akong natulala sa pinto ng C.R. Sini-sink in sa utak ko ang mga nangyari buong araw. Unti-unti'y napangiti ako. Isa ito sa mga the best anniversary celebration namin. Akala ko'y katulad lang ng last year ang gagawin namin; nag-away lang kami at nagsigawan 'tapos natulog na, tila ba parang walang special event. Ang sarap sa puso na ramdam ko na kahit papaano'y umo-okay na kami. Sinuot ko na muna ang hinubad kong polo kanina nang parang dumoble ang lamig sa kwarto namin. Tumingin ako sa full glass window; madilim na, halos hindi ko na makita ang dagat, pero tanaw mula rito ang buwan at mga bitwin; perfect view. Nilapitan ko ang napakalaking bintana. "Ang ganda;" hinawak

