"Tanya, what's up?" Kaunti na lang ay parang magdudugo na ang labi ko sa riin ng kagat ko para hindi marinig ni Seval ang pag-iyak ko. "Seval, are you busy?" Mariin akong pumikit; ang hapdi lalo ng mga luhang pumapatak sa mga mata ko. "For you, I'm not. Wait, are you crying? What's going on? Sinaktan ka na naman ba ni kuya?" Nanginig ang balikat ko; nilayo ko ang phone sa bibig ko nang parang sumabog na naman ang dibdib ko. Napanganga na lang ako habang binabaha ng luha ang mukha ko. Hindi ko inakalang darating ako sa ganitong punto. Hindi ko inakalang balang-araw ay papayag ako sa gusto ni Seval. Pinagtatawanan ko pa siya dati dahil sa naisip niyang iyon pero ngayon parang gustong-gusto ng puso ko na sumama sa kanya; hindi ako makahinga rito, gusto ko munang lumayo. "Tanya?!" Bum

