"Rigal, buntis ako!" Makalipas ang tatlong buwan, hindi ko inakalang iyon ang magiging balita ko sa asawa ko. Natigil siya sa pagluluto't napatingin sa akin. "Ano?" Umawang ang labi niya saka sumilay ang kinang sa mga mata. Abot tainga ang ngiti ko, mula ng mag-decide kami na mag-move forward na totally, nagtuloy-tuloy na ang saya sa relasyon namin; bumalik ang dati naming sigla sa isa't isa. Ang dating tahimik na bahay ay naging maliwanag at kung dati'y binging-bingi ako sa katahimikan, ngayon nama'y busog na busog ang tainga ko sa tawanan at kwentuhan. "Buntis ako, Rigal." Dumoble ang kinang ng mga mata niya. Lumapit siya sa 'kin, kinulong ang mukha ko sa mga palad niya. Halos magdikit ang noo namin habang ine-eksamina niya ang mga mata ko. "Ano ulit iyon?" Umabot sa tainga ang n

