Tinuon ko ang atensyon sa pagkain, hindi ko na siya sinulyapan kahit minsan ay tumatagos sa buto ko ang titig niya sa 'kin. Kitang-kita ko iyon sa gilid ng mga mata ko. "Ano bang problema mo?" Nilapag niya ang kutsara't tinidor niya. Senyales na iyon na nabwi-bwiset na siya sa katahimikan ko. Sinulyapan ko siya, kunot ang noo niya sa 'kin. Suminghap ako. "Wala akong problema, Rigal." Buti'y napigilan ko ang sarkastikong tono. Talagang hindi na siya makaramdam. Ano raw ang problema ko? Malamang siya! Kung ano-ano ang naiisip ko dahil sa mga ginagawa niya. Dinaig ko pa ang nag-aaral ng college sa sobrang dami kong inaalala. Nakaka-drain. Ang sakit isipin pero hindi ko na alam kung may pag-asa pa ba kaming maging masaya. As in iyong masaya, hindi iyong panandalian lang, iyong genuine na

