Nang araw ding iyon ay umuwi na ako sa amin. Gaya sa pagpunta ay bumyahe lang rin ako pauwi. Hindi ko na nakita sina Maria dahil mukhang umalis na rin sila at mas maganda na iyon dahil hindi ako komportable sa kanilang dalawa. Ilang oras din ang itinagal ng byahe kaya naman pagkadating sa bahay ay hindi na ako nakaligo at nakabihis dahil nakatulog agad. Ngayon ko naramdaman ang sobrang pagod at pakiramdam ko ay lumulutang ako kahit na nasa kama naman. Paggising ko kinagabihan ay nakapatay ang cellphone ko dahil lowbat at nakalimutang i-charge kaya iyon ang una kong ginawa bago tumayo at naligo. Kumakalam na ang sikmura ko dahil hindi nakakain ng tanghalian at tanging tinapay lang ang kinain ko na almusal. Pagkatapos maligo ay bumaba na ako. "Ang itim mo." Puna ni Ate pagkakita sa akin.

