Chapter Six

2037 Words
Chapter Six Loving someone isn't bad, they say. But even though I know that loving the person with the same gender sa yours is fine, I still feel that it isn't. I can't really see myself loving Jealyn...or any other girls out there. I am a girl, born and raised, so I should love a man. That's how it should be. No offense to the LGBT community. "Hoy, Yana! Hinahanap ka noong tomboy na volleyball player!" One of our classmate shouted. He's outside of the room and he's only peeking from there. "Yana, hinahanap ka ni Jealyn" another day, same situation. Ganito nalang palagi ang eksena araw-araw simula noong iniwasan ko siya. She'll go to my classroom, hahanapin ako mula sa mga kaklase ko, at ang mga kaklase ko ay tatawagin ako, and ending, magtutulog-tulugan ako. Ever since the dj from the morning radio said na I should listen to myself, parang lalong gumulo ang lahat. Simula noong naramdaman ko na nahuhulog na ako kay Jealyn, parang naging bola nalang ang buhay ko na paikot-ikot, paulit-ulit ang mga nangyayari. "Yo!" Nag-angat ako ng tingin nang maramdaman ang mabigat na kamay na nakapatong sa balikat ko. "May problema kayo ni Jealyn?" Si Ronald. "Wala. Bakit?" Wala naman talaga kaming problema ni Jealyn. Ako lang ang may problema sa aming dalawa. I'm confused and I don't know what to do. "Weh? Maniwala" he looked at the window side kaya naman napatingin din ako. Agad akong nagsisi dahil nandoon si Jealyn, nakahawak sa railings ng bintana habang nakatingin sa amin ni Ronald. "Wala raw problema pero iniiwasan" I ignored his blubbering. Hapon na at kasalukuyan kong naglalakad palabas ng gate nang biglang may humatak sa kamay ko dahilan kung bakit ako napaikot. "Oh, sorry" ani Jealyn nang makita ang sakit sa mukha ko. Muntikan nang matanggal ang kamay ko sa lakas ng hatak niya! "Bakit ba kasi iniiwasan mo ako?" "Ha?" I played innocent kahit na alam ko naman na masyadong obvious ang pag-iwas ko. She mimicked me so I almost laughed and she noticed it kaya tinuloy-tuloy niya. I'm amaze na sa simpleng bagay ay nagawa niya akong patawanin and kahit ayoko, alam ko sa sarili kong gumaan ang pakiramdam ko nang makita kong muli ang ngiti niya...at ako ang dahilan. Hindi ko alam kung anong ginawa niya at napapayag niya akong pumunta rito sa field sa harap ng munisipyo. Nasa isang convenient store siya ngayon at bumibili ng mga junk food na kakainin namin habang nagpapalipas ng oras. I know what I did is not good. I avoided her without explaining my side and now I'm here with her all of a sudden, again, without any explanations at all. I don't know if I should tell her about my feelings or not lalo na at kahit ako, hindi pa matanggap ng buo ang nararamdaman. I'm still testing the water. "Hindi ko alam kung anong gusto mo kaya dalawa ang binili ko" may dala siyang dalawang klase ng softdrinks. Kinuha ko ang isa at nagpasalamat. We stayed there for a few hours before me decided to go home. We are walking right now, under the moon and stars, feeling the cold northern wind. "I'm sorry" hindi siya umimik at nagpatuloy lang sa paglalakad kaya naman ganoon din ang ginawa ko. I still don't know what to do. Should I admit to her and to myself na nagkakagusto ako sa kaniya? Should I avoid her? Continue our friendship and ignore what I'm feeling? I don't know. "I'm sorry if I ignored you this past few days. I'm, uh," nag-iwas ako ng tingin. "I'm having a hard time with my thoughts kasi and up until now, hindi pa rin maayos ang mga ito. And it's affecting our friendship, so I'm sorry." She didn't talk. Wala siyang sinabi. Ang tanging ginawa lamang niya ay ang ngumiti at tapikin ang balikat ko na animo'y tinutulungan niya akong mapanatag. Her silence and presence made me feel so much better and relaxed. My negative thoughts vanished and all that I feel is calmness. Kapayapaan sa puso ko at pati na sa paligid. Nang gabing iyon ay inihatid niya ako sa amin. Hindi ko alam kung saan siya nakatira. Ang alam ko lang ay malapit lamang ang baranggay nila mula sa baranggay namin dahil iyon ang sinabi niya. Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya naman nagawa ko pang tulungan si mama sa pag aayos ng tindahan niya. Nagsisimula na ang mga exam at malapit lapit na rin ang bakasyon. Pagkatapos gawin ang mga palagi kong ginagawa sa umaga ay nagpahatid na ako kay papa sa school. Halos manginig ako sa tricycle dahil sa malamig na simoy ng hangin. Takbo-lakad ang ginawa ko upang mabawasan kahit papaano ang lamig na nararamdaman. Mas lalamigin ako kung magbabagal ako ng lakad. Pagdating sa room ay tumalon-talon pa ako. Nagsisi tuloy ako na maaga akong naligo, ayan tuloy sobra akong nilalamig. "Hindi ka naligo, ano?" "Heh! Ikaw yata ang hindi naligo, eh" angil ko kay Ronald. Ang aga-aga, nang-aasar na. "Oh? Sino ba sa ating dalawa ang nilalamig? Ikaw, diba?" "That doesn't mean na hindi na ako naligo!" Singhal ko. "And that doesn't also mean na porke hindi ako nilalamig eh hindi na ako naligo!" Whatever. Hindi ko nalang siya pinansin dahil sigurado akong kapag sinagot ko pa siya, hindi na siya hihinto hanggat hindi ako sumasang ayon sa gusto niya. The exam was hard! Mabuti nalang at hindi ako um-attend ng intrams at nagkaroon ako ng oras para mag review kung hindi ay siguradong puro itlog ang nakasulat sa test papers ko. Halos umiyak ako nang makita ang mga tanong sa math test namin. Lahat ay computations at kailangan ipakita ang solution. The reason why I hate math, malimit ang multiple choices at hindi ka makakapang hula. Pagkalabas ng classroom ay nag stretching pa ako dahil sobrang sakit ng likod ko. Sa bench malapit sa classroom namin ay nakita kong nakaupo si Jealyn kasama si Ronald. Bakit magkasama ang dalawang ito? Mabilis akong lumakad palapit sa kanila. "Oh, ayan na pala si Yana!" Umusog si Ronald para makaupo ako sa tabi niya. "Sabay raw kayo mag lunch ni Jea" binalingan ko si Jea na nakangisi ngayon sa akin. Tumango siya. "Ikaw?" Ronald looked so shock. "Bakit? Sama ako?" aniya na tila hindi pa makapaniwala. Tumango ako. Hindi ko yata kakayanin kung kaming dalawa lang ni Jealyn dahil hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya. "Osiya sige para sayo" tumatawa-tawa pa siya habang tumatayo. Sumunod ako sa kanilang dalawa. Sila lang ang nag uusap at pinag uusapan nila ang tungkol sa journalism. May i-co-cover yata sila o ano. Hindi ko alam. Pagkadating sa labas ng school ay agad kaming dumiretso sa kinainan namin dati ni Jealyn. Maraming estudyante dahil alas dose na ng tanghali at sabay-sabay ang lunch time ng halos lahat ng estudyante sa school, maliban nalang ang mga nasa college department. Napatitig ako sa grupo ng estudyanteng nakasuot ng purong puting uniporme. Mula sa palda, blouse, sapatos at stockings ay puti. Mga biology students, base sa ID na suot nila. May mga name plate rin silang suot at maliit na microscope pin sa kanang kwelyo ng blusa nila. Balak kong iyon din ang kukunin pagdating ng kolehiyo. Matagal pa dahil junior high palang ako kaya naman hindi ko rin gaanong iniisip iyon. Dalawang kurso ang pinagpipilian ko. Biology o related sa music. Ngunit kung may koneksiyon sa musika ang kukuhanin ko, kailangan kong lumipat ng school dahil walang ganoon dito. "Kilala niyo 'yung babaeng bi-nu-bully ngayon?" She's whispering. Agad niyang nakuha ang atensiyon naming dalawa ni Ronald. "'Yung sinasabi nilang may scandal?" Oh, kalalaking tao chismoso. "Oo! Kaklase ko noong elementary iyon..." I didn't know Jealyn is chismosa. Hindi halata sa kaniya. Kung sa bagay, marami siyang kilala rito sa school kaya hindi malabong sagap niya halos lahat ng issues at kung ano mang chismis. Pinag-usapan nilang dalawa ang tungkol sa babaeng sinasabi nila. Our school is against bullying pero sa laki, halos hindi rin macontrol, just like other schools. I guess bullying will never stop unless bullies will. Hindi naman mamamatay ang puno hanggat may ugat pa ito, hindi ba? Apparently, that girl belongs to the LGBT community. I don't know her story but based on Jealyn's chismis, she had a girlfriend and they broke up. Her ex exposed her nude pictures. Now that's below the belt. She needs to sue her ex para naman matuto at madala. I looked at Jealyn. She's laughing while talking to Ronald. Nag iba nanaman ang topic nila. What if, I'll tell her about what I feel? Anong gagawin niya? But no. Pakiramdam ko ay nagsisitaasan lahat ng balahibo ko sa katawan dahil lamang sa kaisipang magiging kami ni Jealyn. I can't. Really. I'm fine seeing LGBT couples but I really couldn't believe if pati ako, papasok sa ganoon. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ng mga magulang ko, ng mga kapatid ko. Natatakot ako sa sasabihin ng ibang tao. If Jealyn and I will be in a romantic relationship, and then broke up, gagawin din ba kaya niya ang ginawa ng ex nung binubully ngayon? Not that I will send her nudes pictures! What I mean is, sisiraan din kaya niya ako? Surely she will know almost everything about me if magiging kami. Will she expose me? Sasabihin ba niya sa iba ang mga bagay na malalaman niya patungkol sa akin? Given na may pagka chismosa pala siya? After lunch, the exam continued. Antok na antok ako habang nagbabasa ng questions sa history exam namin. Idagdag pa na ang oras ay talagang nakaka-antok. Humihikab ako nang biglang tumapat ang teacher sa akin kaya naman mabilis akong yumuko at nagpanggap na nag sasagot. I really hate it kapag tumatapat ang teacher sa akin tuwing exam. Pakiramdam ko ay ji-na-judge niya ako sa tuwing nakikita ang mga maling sagot ko. Maaga kaming natapos sa exam kaya maaga rin ang uwian. Gaya kanina, naunang lumabas si Ronald at paglabas ko ay magkasama nanaman sila ni Jealyn. Busy yata sila sa org nila dahil kanina pa sila nag uusap patungkol sa kung anong icocover. "Nandiyan na pala girl friend ko" I stopped walking when I heard Jealyn's statement. Napatingin ang iilang estudyante na malapit sa amin. She sensed my hesitation siguro kaya agad siyang tumawa at sinabing biro lamang iyon. Sinabayan pa siya ng tawa ni Ronald kaya naman nawala rin ang atensiyon ng mga estudyante sa amin. They thought that was really a joke. It's not funny. I'm having a hard time sa paghinga. My heartbeat is as fast as how she manage to divert everyone's attention. "Jea, it's not funny." Bulong ko nang makabawi at makalapit na sa kanila. "You really should stop joking about having a romantic relationship with me." "Alright. I'm sorry. Hindi na mauulit" she tried to touch me pero umiwas ako. Akala ko ay maayos na kami. Akala ko ay hindi na ako maiilang ulit sa kaniya gaya ng dati, noong una siyang nagbiro patungkol sa ganitong bagay. "Really, Jealyn. I know your pasts relationships are mostly with girls. I know your gender preference and it's fine. Ang ayoko lang is 'yung palagi mo nalang sinasabi at pinararamdam na you like me. I'm a girl and I should love a boy. Ganoon dapat, para sa akin. I respect you and the whole LGBT community but sorry, hindi ako magiging isa sa inyo." It's true. I really respect them. Ni wala nga akong problema kung may mga kaibigan akong belong sa community na iyon pero ang hindi ko kaya ay ang ako mismo, ang maging isa sa kanila. I'm afraid. Afraid na ijudge ako ng lahat. Natatakot ako sa sasabihin ng pamilya ko. I really wish na hindi ko kakainin ang mga sinasabi at naiisip ko ngayon lalo na at ngayon pa lang, ang makita ang sakit sa mga mata ni Jealyn ay hindi ko na kinakaya. Parang gusto ko ng bawiin ang lahat at tanggapin nalang ang kung anong mayroon. Pero ang hirap. I'm trapped.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD