Chapter 34 Roxy’s PoV Ilang beses na akong kumakatok sa pintuan ni Kino. Bagong ligo pala siya kaya ang tagal niyang pagbuksan ang pinto. Wala man lang bahid ng excitement o kahit anong klaseng emosyon ang kanyang mukha nang makita niya ako. Habang ako naman ay nanggagalaiti sa inis at nagpupuyos na sa galit. Hinintay ko pa na mauna siyang magsalita pero mamumuti na yata ang buhok ko ay hindi pa rin niya ako kikibuin. Ni pagbati man lang sa akin bilang boss niya ay hindi niya magawa. Kaya ako na ang nagsimula ng usapan tutal ako naman ang nag-abalang puntahan siya. Ako lang naman ang mas affected kung anong nangyayari sa buhay niya. “Ngayon mo sabihin ‘yung sasabihin mo sana—” “Miss, tama na—” “Oh, bùllshit Kino, stop fùcking me up—” “Miss, lasing ka ba?” kalmadong tanong ni

