Chapter 8

1138 Words
Sa isang family trip, hindi mawawala ang mga laro. Pagtapos kumain ng dinner ay nag set-up na sila Benj ng mga card games at drinking challengers. Tumulong ako para mag ayos ng mga alak na dala nila. Sinilip ko si Mama na nakikipag kwentuhan kay Tita Bianca sa may pool side kaya nakampante akong maayos ang lagay niya. "Kay Aen 'yan, Blaise. Mahirap na siyang malasing tonight dahil nagwawala 'yan kapag lasing," sabi ni Benj kay Blaise na hawak ang isang bote ng wine. Tinignan ako ni Blaise at ngumisi. "Yeah, the last time I saw her drunk, she mistakenly me as you." Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Itong isang 'to! Hindi talaga siya titigil hangga't hindi niya ako napapahiya! "Hindi ko naman sinasadya 'yon. Hindi ko alam na may male version pala 'tong si Benj," sakay ko na lang sa trip niya. Alam kong alam ng lahat ang nangyari na nagkita kami sa bar, inakala kong siya si Benj at inasar asar. Hanggang doon lang. Kaya kung gusto niya talagang ipamukha sa akin ang pagkakamali na 'yon, sasakyan ko siya. "It's okay, Aen. It's nice to know you that night," singit na naman niya. Tinitigan ko siya bago umirap. Nagpatuloy na lang ako sa pag aayos ng lamesa dahil mukhang mang aasar lang buong gabi itong si Blaise. "Don't mind him, Aen. He's always like that. Very playful," sabi ni Ate Blaire. Ngumiti ako sa kanya. Hindi ko alam kung kailan ko unang tinitigan si Ate Blaire at si Bielle pero masasabi ko na hindi masyado nakuha ng dalawang ito ang features nila Benj at Blaise. Magaganda pa rin naman sila, pero ibang iba ang hulma ng mukha. Ilong lang siguro ang pare-pareho sa kanilang apat. Lahat matatangos. Truth or Drink Ang unang larong napag desisyunan nilang gawin para sa gabi. Nakapasok na sina Tita Bianca at nagsimula na silang mag karaoke ni Mama. 'Yan talaga ang madalas nilang bonding na para bang wala silang mga anak. "Truth," sagot ni Blaise nang matapat sa kanya ang bote. "Do you like someone right now?" Ate Blaire smirked. "Yeah," simpleng sagot ni Blaise na kinagulat ni Ate Blaire at Ate Bielle. "What? Who?! Since when?!" Sunod-sunod na tanong ni Ate Bielle. "I don't have to answer that. I only need to answer the first question. Answering the next questions are considered multiple turns," sagot ni Blaise sa diretsang ingles. "Is it still Calliope?" Seryosong tanong ni Ate Blaire sa kanya. Napansin ko ang pag sulyap niya sa akin nang sandali bago bumaling kay Ate Blaire. "It's not Calliope," bulong niya. "Then who?! You've been in love with Calliope your whole life, Blaise. Liking someone else is a big news for us!" Hysterical naman na sigaw ni Ate Bielle na hindi ko maintindihan kung excited ba o kinakabahan para sa kapatid niya. Muling tumingin sa akin si Blaise na nasa tabi ni Benj na katapat ko. Dahil sa mga tingin niya ay napabaling ako kay Benj na nakangiti lang habang nakatingin sa mga kapatid niya. He's been awfully quiet since the whole topic came in. Uncomfortable ba siya? Kinuha ko ang phone ko at tinext siya. Nakita kong nag pop ang phone niya kaya napabaling doon ang atensyon niya. He checked who texted and when he saw it was me, he looked at me and smiled. "I'm okay," he mouthed. Tinitigan ko siya dahil alam kong hindi naman siya talaga okay. "Benj and Daenerie can't relate to this topic so let's just drop it off," sabi ni Blaise. Tinignan kami ni Ate Bielle bago umupo. "Calliope is Blaise's ex and first love. First ever girl he loved! He was so devastated when they broke up and it took him years before finally moving on. We decided to visit the Philippines and see Mama because he wanted to move on from her. And now, you're telling me that you already like someone else?!" Muling hysterical ni Ate Bielle kahit na nakaupo na siya. Tinignan ko si Blaise na napakagat labi. First love, huh. Kinuha ko kay Benj ang baso ng whiskey at ininom 'yon nang straight. Alam kong sabi niya na wine lang ako pero wala akong pakialam dahil gusto ko talagang magpakalasing pagkatapos ng mga binitawan nilang salita. Nagpatuloy ang laro sa kagustuhan ni Blaise. Ayaw na niyang pag-usapan at pansin na rin ni Ate Blaire na hindi siya komportable kaya pinabayaan na lang muna nila. "Do you like someone?" Parehong tanong ang binitawan para sa laro. Ngunit ngayon, si Benj ang nagtatanong sa akin. Bumilis ang t***k ng puso ko habang nakatingin sa kanya. He's playful and smirking because I know that he has no idea who I like. Gusto niya lang akong asarin dahil alam niyang kahit anong mangyari ay hinding hindi ko sasabihin sa kanya kung sino. Pero hindi naman 'yon ang tanong. Tinanong niya lang kung meron. "Of course. That's such a waste question, Benj. Matagal mo nang alam na may nagugustuhan ako!" Umirap ako sa kanya, nagpapanggap na matapang. Tuloy tuloy lang at masasabi kong wala talagang nagpapatalo dahil halos lahat ng mga tanong ay nasasagot naming lahat hanggang sa ako na naman ang tatanungin. "Did you not see Benj as a man like ever?" Tanong ni Ate Bielle na nagpatigil sa buong pagkatao ko. "Ate Bielle! That's so kadiri! Hindi 'yan ever ever ever!" Si Benj ang sumagot pero hindi ko alam kung bakit ang bilis bilis pa rin ng t***k ng puso ko. "I'm asking Daenerie, Benj! You'll never know what's inside someone's head," sabi ni Ate Bielle at lumingon muli sa akin. Tinignan ko siya. "Well, maybe before. But when I saw Blaise, the real man version of Benj, I realized that he really isn't manly as I thought he was," I chuckled and drank some whiskey. Tinignan ko si Benj na nakatingin sa akin na para bang diring diri siya sa sagot ko. "Well, okay. At least now you know," sabi niya sabay irap sa akin kaya inirapan ko rin siya. "So you think that Blaise is better than Benj?" Tanong ni Ate Blaire naman. "Hey, not fair!" Ngumuso ako kaya natawa si Ate Blaire at Ate Bielle. Tinuloy ang pagpapaikot ng bote pero nahagip ng mata ko si Blaise na nakangisi rin ngayon. Anong ngini-ngisi ngisi ng isang 'to? Tinapos na namin ang laro nang mapansing wala namang nalalasing. Natulog na rin sila Mama dahil madaling araw na kaya nag desisyon na lang kaming mag karaoke. Ang unang sumalang ay si Benj kaya naman habang kumakanta siya ay nakatitig lang na naman ako. What is it about him, really? Is it his features? Kung oo, bakit hindi si Blaise? Is it his attitude? Hindi rin naman, kasi panget ang ugali niya. Ano ba? Why am I so in love with him to the point that it actually hurts?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD