Chapter Three

2245 Words
"So... your name's Damon?" I asked after a minute or two of walking. Naalala ko ang tinawag sa kaniya ng demonyong may pulang buhok. He even called him Lord of wrath. Is he some kind of royalty here? Hindi sumagot si Damon. "Or do you prefer to be called Lord of wrath?" "Just call me Damon." He casually said, not looking back at me. "Bakit ka tinawag na 'Lord' ng demonyong may pulang buhok kanina? C'mon! I deserve to know more about you. Lalo na at pinakinggan mo ng walang permisyon ang mga secrets ko sa buhay." Naramdaman ko ang pag-init ng buong mukha ko. Siya pala ang prison mate ko sa dungeon! "I didn't force you to say anything, Riley. I'm not interested with your sad little life you got going on." Nakakatuwang pakinggan ang pangalan ko mula sa bibig niya kung hindi ko bibigyang pansin ang pang-iinsulto niya. Finally ay pinaniniwalaan niya ng hindi ako si Nyx. Naglalakad kami papunta sa tinutuluyan niya. Sa kagubatan muli kami dumaan para makaiwas sa iba pang demonyo. Baka hindi nila paniwalaang ako si Nyx dahil sa hitsura ko ngayon. I look rough as hell. "I suppose you need to know some things about me and this world if you wanna act as Nyx." Bumagal ang paglalakad niya. Sinadya niya siguro 'to para makahabol ako. "Our world is divided into seven different...what do you humans call it...cities?" Tumango ako nang lumingon siya sa'kin sandali. Para akong batang naghihintay sa bed time story ng lola ko. "We have seven cities. Lucifer, Beelzebub, Sathanas, Abadon, Mammon, Belphegor...and Asmodeus." Nakita ko ang paggalaw ng panga ni Damon nang sabihin niya ang huling salita. May personal issues ba siya sa city of Asmodeus? Naalala ko naman bigla ang sinabi niya nu'ng nasa dungeon pa ako. "Are they Gods? Naalala ko na tinawag mo si Asmodeus na God ko--ni Nyx." "They are ancient Gods of hell, our ancestors." Pinanuod ko nang mataimtim si Damon habang nagsasalita. Ngayon ko lang nakitang neutral ang emosyon niya habang kausap ako. Walang 'I despise Nyx so much' kind of emotion. "The capital city is Lucifer, kung nasa'n tayo ngayon. Erlik is the current king. Almost a thousand years ago, a war between our species made this hierarchy. Where there could only be one king and six different representatives for the other cities. And I represent the city of Sathanas therefore, I'm the Lord of wrath." "Did the character represent you too?" Nakita ko ang pagngiti niya pero hindi ito umabot sa mga mata. He still looks as unfazed as ever. "What do you think?" He asked with a glint of mischief in his eyes. "Well, hindi gano'n kahirap paniwalaan na isa kang Lord of wrath. Lalo na dahil kinidnap mo ako papunta dito dahil sa galit. Hindi mo manlang sinigurado kung ako nga ba ang hinahanap mo." He flashed me a crooked smile. "You can't blame me. You look exactly like her. From your brown hair, pale skin, greenish eyes but I knew her well enough to see your differences. Personality wise, she's a confident succubus demon--comfortable with her own body. She's flirtatious, seductive while you..." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "We will have to work on those, clearly." I starred at him. "Wala manlang sugar coating diyan?" Umiwas ako ng tingin sa kaniya at niyakap ang sarili ko, feeling more self-conscious. "Succubus demon? Anong pinagkaiba no'n sa tipikal na demonyo?" Pag-iiba ko ng usapan. "They are much more powerful. They are very good at deceiving with their pretty faces. Being the ancestors of Asmodeus, God of Lust, they feed on lust. They seduce male demons and even humans to their advantage. s****l activity with succubi demons will led to death." "Basically pleasuring them to death? What a way to die." "That's how the war between our species started. Lahat ay hindi gusto ang pag-e-exist ng succubi. They ruined a lot of relationships. It's when the king decided to execute all of them." He continued. Parang kada salita niya ay lumalamig lalo ang paligid. It's like the nature is listening to him, grieving for all the lives that has been lost. "Masyado naman yatang mabigat ang parusa nila. It's not their fault that they are born as succubi demons. Some of them are just simply existing." I said feeling the heat of the moment. It's a tragic story. "Kung pinatay silang lahat, bakit buhay pa si Nyx?" Something must've triggered him. He looks distant, na parang may sarili siyang mundo at lumipad palayo sa realidad. Pero nang bumaling ang tingin niya sa'kin, tumunog ang mga alarm bells sa utak ko, warning me...telling me to run away from him. A look of pure, unsullied hatred... perceivable loathing. He hated me. Hindi ko makumbinsi ang sarili ko na si Nyx ang nasa isip niya habang tinitingnan ako...na hindi siya sa'kin galit. Sobrang laki ng galit niya na kahit ako ay nag-uumpisa nang maniwala na totoong may kasalanan ako sa kaniya. "By being cunningly deceitful. She used her charm on the king and secured herself away from death... offering to help him kill succubi--her own kind." Bumilis ang paglalakad niya at hinayaan ko siyang ma-una sa'kin. Hindi magandang oras para dumikit ako sa kaniya. Baka bigla niya na lang ako patayin dahil sa galit niya sa demonyong kamukha ko. "Pinanuod niyang mamatay ang mga ka-uri niya habang siya ay naliligo sa karangyaan ng hari. You don't pity demons like her, Riley." Kalmado na ang boses niya. Hindi naman ako naaawa kay Nyx. Siguro nga gano'n siya kasama kaya gan'yan na lang ang galit ni Damon sa kaniya pero paano naman ang mga succubi na nag-e-exist lang kagaya ng mga bata? Hindi ko mapigilan ang mga tanong na nabubuo sa utak ko. Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung ano bang kasalanan ni Nyx sa kaniya. "Ano bang kasalanan ni Nyx sa'yo?" Am I being too personal? But I deserve to know. Lalo na at mabubuhay ako bilang siya habang nandito ako. "You don't have to know much about me." Huminto siya sa tapat ng isang enggrandeng bahay; modern farm house architecture, colors of gold and white are everywhere. "For your own sake." Bumukas ang dalawang over-sized French doors sa sarili nito na parang ginamitan ng mahika. Halos makita ko na ang sariling repleksyon sa malaking kumikinang na chandelier sa foyer. While the house's exterior facade is modern luxury, it looks surprisingly comfortable on the inside. Ang mga furniture ay halatang gawa sa mamahaling kahoy. Marble tiles on the floor look delicately placed. Floor-to-ceiling glass windows are everywhere, overlooking the glittering sea underneath the moonlight. It's a dream house. Open at the same time isolated and private for it was built in the middle of nowhere, in the woods. Holy s**t. As an artist myself, I appreciate every little details of this house. Ang ceiling ay parang isang old chapel, maraming nakapinta dito; may isang babaeng nakatalikod habang pinapalibutan ng mga puting swans sa isang lawa, falls, colorful flowers like tulips, roses, lilies and even those which I'm not familiar with. Naisara ko ang panga ko bago humarap sa'kin si Damon, ang cellphone ay nasa tainga niya. "Bring me dinner. For two please." Sinabi niya sa kausap sa phone. May kung ano nanamang kumirot sa dibdib ko nang marinig ang boses ni Damon. He sounded so innocent. Umupo siya sa light gray na sofa, na ginawa ko rin. Magkatapat kami ngayon. "Your house is beautiful." I said honestly. "As it should be. I paid f*****g fortune for this." May kung anu-ano pa siyang pinindot sa phone niya bago ako harapin. "If you want this to work, kailangan mong matutunan kung ano ba si Nyx at kung paano maging siya." Nagsalubong ang kilay ko. "Bakit mo ba ako tinutulungan na maging siya?" "Because I saw how I would benefit from this too." An innocent looking smile curled his lips. "How?" Curiosity spread like wild fire in me. "You see, before we talk about my plan, I should know first if you can be trusted and willing to do this. Once you heard my proposal, there's no turning back. At wala na akong magagawa kung 'di ang patayin ka." "At kung hindi ako pumayag sa proposal mo?" "I'm not as cruel as you think I am, Riley. I'll set you free. Hahayaan kitang mabuhay nang mag-isa dito sa mundo namin, kung tatagal ka ng higit sa dalawang oras." His grin became more playful and I gotta admit, he looks so good looking--precious. Napaka-guwapo niya tuwing nakangiti, kahit nang-aasar man ito o sarkastiko. Sana lang ay hindi niya alam ang epekto niya sa'kin. Masyado na siyang arogante. "Okay. Let's hear it." Umupo ako nang diretso at sinabayan ang titig niya. Tinulak niya ang vase sa coffee table sa pagitan namin. I gasped, hindi dahil sa gulat kung hindi dahil sa panghihinayang. It looks so expensive! Kinuha niya ang isa sa mga basag na pieces nito at walang pasabing hiniwa palad niya. Ngumiwi ako at napapikit nang tuluyang tumulo ang mga dugo niya sa maputing marble tiles. "Anong ginagawa mo?" Tanong ko habang nakapikit parin. "Blood oath." "Is that really necessary?" Hindi sumagot si Damon at kaswal na tinatapik ang sahig gamit ang sapatos niya. Umakto siyang impatient at tumingin pa sa mamahalin niyang wristwatch. "C'mon, Riley. I can't afford to see my floors covered in blood." Lumabas ang isang malalim na hininga mula sa bibig ko. Inilahad ko ang kanang kamay ko sa kaniya. Wala naman akong choice! Kung mamatay man ako dito, at least mas matagal dahil may proteksyon ako ng isa sa mga demonyo. Hinawakan niya ang pulso ko. Kahit sa ganitong sitwasyon ay nararamdaman ko parin ang mga kuryenteng naidudulot ng mga hawak niya. Hiniwa niya ang palad ko sa kaparehong haba kagaya ng kaniya. Kinagat ko ang labi ko nang unti-unting kong maramdaman ang sakit at ang dahang-dahang pagdaloy ng dugo dito. Pinagdikit ni Damon ang mga dumudugo naming sugat. He looks at me, dominance in his aura. "Repeat after me. With my blood I do swear my life until the end, upon pain, torture and death to keep this in secrecy from other demons." Inulit ko ang sinabi niya. Lumilipad ang isip ko, naguguluhan kung tamang desisyon ba ang tinatahak ko. I'm a little bit surprised that I managed to memorize what I needed to say. Inilayo na ni Damon ang kamay niya. Naiwan sa ere saglit ang kamay kong dumudugo parin, tinitigan ko 'to bago ibinaba. Pinunasan ni Damon ang kamay niya gamit ang suot na long sleeve. Pinanuod kong unti-unting magsara ang sugat niya, medyo amused. Wala na agad 'yung sugat. Magaling na at wala manlang marka. "Oh, I nearly forgot you're a human." Kinuha niya muli ang kamay ko. Dumaloy muli ang pamilyar na malamig na pakiramdam dito at nang ialis niya ang kamay niya ay bumalik muli sa dati ang balat ko. Tanging tuyong dugo na lang ang natitira. "When you lie, I will know. Kahit iniisip mo pa lang na i-betray ako ay malalaman ko na. I'll cut your throat before you even begin to speak a word." Alam kong seryoso siya at kaya niya akong patayin pero hindi ko alam kung bakit kaunting takot lang ang nararamdaman ko. Hindi katulad sa takot ko na mahuli ng ibang demonyo. I'm a disaster, really. "I will help you to survive here and give you protection. Tutulungan din kitang makalabas dito. But I'm not doing this by random act of kindness." Sumandal si Damon sa sofa at itinaas ang dalawang balikat sa likod nito. "You need to marry me." I nearly choked. "What?" Medyo lumakas ang boses ko. Parang isusuka ko na palabas ang mga laman loob ko sa mga kiliti at kaguluhang nangyayari sa buong katawan ko. Napatakip ako sa bibig ko. "May natitira pang iilang succubi. Maybe less than fifty. They currently don't have their own representative in the seven councils and I plan to expand my land. Dahil anak ng dating hari ng Asmodeus si Nyx, siya na lang ang natitirang direct descendant ng hari. You're immediately their lady. Lady Nyx of Asmodeus, Lady of Lust. Succubus princess." Wala sa sarili akong natulala kay Damon. "Bakit hindi mo na lang sakupin 'to? Sabi mo nga, less than fifty na lang ang population nila. Edi madali lang silang masakop." I said. I feel like I sound so dumb right now. Wala akong ideya sa herarkiya nila. "It's under king Erlik's protection. Hindi rin tatagal ay magiging extended land 'to ng Lucifer. But if the actual Lady Nyx came, it will be her decision weather to rule her little land or let the city of Lucifer extend." Parang piniprito ang utak ko. Sunog na nga yata. "Paano mo nasisiguradong mapapaniwala ko ang mga demonyong mas kilala pa si Nyx kaysa sa'kin na ako siya?" "I knew Nyx more than anyone." Sinuklay ni Damon ang medyo mahaba niyang buhok gamit ang mga daliri niya, looking stiffed. "I'll teach you everything kung paano maging siya." "She's a damn powerful, seductive, gorgeous succubus, Damon. Sa tingin mo ba talaga ay magagampanan ko ang role niya? Ni wala ngang nanliligaw sa'kin sa mundo namin, sa inyo pa kaya." Kung anu-ano ng lumalabas sa bibig ko sa takot sa mga posibleng mangyari lalo na kapag nahuli ako. I feel like I'm having a panic attack. "You look exactly like her, Riley. I don't know what those mortals are on about but demons have better taste."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD