Kasabay ng mabagal na ritmo ng musika, hinayaan kong basain ng luha ang aking mga mata. Luha na hindi ko inaasahang tutulo dahil sa labis na kasayahang nadarama. Ni minsan ay hindi ko naisip na magkakagusto ako sa lalaki. Lumaki akong baril at robot ang laruan. Lumaki akong sa babae nagkakagusto kaya naman hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na magugustuhan ko ang lalaking minsang pinag-isipan ko ng paghihiganti. "I love you, Autumn," aniya sa paraan na nagpalundag sa aking puso. Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya at isinubsob ko ang aking mukha sa matigas nitong dibdib. Rinig ko ang lakas ng t***k ng kanyang puso na tila ba nagsasabing tulad ko, kabado rin sya sa kanyang ginagawa. "Let's go. The dinner is ready." Dagdag nya saka ako inalalayan maupo sa silya. Hi

