Mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Josiah nang magsimula naming tahakin ang parking lot ng Crimson Hotel na pag-aari nya. Pinagtakahan ko ang kakaibang awra nya nang hatakin ako nito sa isang elevator at isinara iyon. Tuloy ngayon ay gusto kong sisisihin ang sarili sa pagpupumilit ko. Iba kasi ang pakiramdam ko sa mangyayari at nakaradagrag sa kabang nararamdaman ko ang katahimikan nya. "Josiah," pagtawag ko. Marahan kong pinisil ang kanyang kamay ngunit nanatili lamang ang atensyon nya sa harapan. Nang bumukas ang elevator ay mas lalong tumindi ang kaba ko. Nasa isang lugar kami. Natitiyak kong hindi na ito parte ng hotel dahil sa ibang kulay nito. Tulad ng kanyang bahay, itim ang kulay ng pintura, nagpapasalamat na lamang ako sa malakas na liwanag para hindi ako tuluyang

