"Mahal nyo pa ho ba, Sir?" Pagbasag ko sa katahimikan. Ramdam ko ang pagkahilo sa ilang lata ng alak na aking nainom. Bakit imbis na maging masaya para sa kanya ay kumirot ang puso ko? Malamlam ang matang nilingon ko sya. Sa kabila ng dilim na yumayakap sa gabi, kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Tatango-tango na muli kong itinuon ang atensyon sa malawak na dagat. Pinagsisisihan kong dito ko naisipan na dalhin sya dahil ramdam ko na ang lamig ng hangin na yumayakap sa akin. Tumuptop ako, niyakap ang sarili saka tinungga ang natitirang laman ng canned beer na hawak bago muling kumuha pa ng isang green na lata. Hindi ko lubos maisip na malalasing ako sa ganito. "Kung mahal nyo sya, bakit ganon nyo sya kung tratuhin?" Hindi ko malaman kung gusto ko nga lang ba talagang saktan

