"Thank you." Nakangiting salita ko nang alalayan akong bumaba ni Kayden mula sa sasakyan. Mula sa di kalayuan ay agad ko nang natanaw ang isang pigura ng lalaking diretso lamang ang tingin sa amin. Hindi ko maipinta ang nakasimangot at magkasalubong nyang mga kilay. Anong eksena nanaman kaya ng taong ito? "Let's go." Yaya ni Kayden. Napaigtad ako ng bigla ay hawakan nya ang aking baywang. Kung hindi ko lang naalala na kaibigan ni Mama ang Daddy nya ay baka nasapak ko na sya. "I'm sorry. It's a habit," aniya saka mabilis akong binitawan. Naiilang naman n tinanguan ko sya. Muli kong nilingon ang gawi ng lalaki nang marinig ang mahihinang pagsinghal nya ng mga salitang sya lamang ang nakakarinig at hindi tulad kanina ay naglalakad na ito patungo sa gawi naming dalawa. Madilim ang mukh

