Predisposition II: "Kamusta ang first day ng high school mo?" Napabuntong-hininga ako nang marinig ang familiar na boses ni Kenneth. Kakaupo ko pa lang sa sofa pero siya kaagad ang bumungad sa akin. Katulad ko ay suot niya rin ang uniform ng school na pinapasukan ko. Sinadya kong iwasan siya sa school, mabuti na lang talaga at magkaiba kami ng section kaya mas madaling magtago. Ang alam ko ay nauna akong umalis sa kanya, so paanong nandito si Kenneth kaagad? Inilapag niya ang dalang bag sa tabi ng akin at naupo. Ang mga bag namin ang nagsisilbing harang sa aming dalawa. Idinekwatro niya ang mga binti. Maganda ang pagkakangiti ni Kenneth pero iba ang nakikita ko sa mata niya. I really don't like him. "Masaya ba?" "Boring." ang maikli kong sagot. Tumawa siya kahit hindi ko alam kung an

