Episode 14: Naalimpungatan na lang ako bigla. Disoriented pa ako noong una nang magising kaya nagtaka pa ako kung nasaan ako pero mabilis ko rin namang na-realized na nasa room pala ako ni Rosendale. I fell asleep without me knowing. Sabi ko kanina pipikit lang ako, eh. "Ay, shit." I whispered a curse nang mapalingon ako dito sa babaeng katabi ko at nakitang titig na titig siya sa akin. Naka-side ang bangs niya kaya malaya kong napagmasdan ang mata niya. "Natulog ka ba?" Bumangon ako at marahang kinapa ang noo niya. Hindi na ito mainit unlike kanina. "Oo, pero saglit lang." Mahinang sagot niya, obvious na wala pang energy. Mas okay pala talaga siyang kausap kapag ganitong may sakit, eh. Bumabait. "Ilang oras akong natulog?" "Three hours, I think." she answered, "Malapit nang mag-two.

