“Hoy, girl, may good news ako sa iyo!” patiling salubong sa akin ni Leah pagkatapos ng huling klase namin ng hapon. May isa pa sana kaming subject kaya lang may faculty meeting daw ang lahat ng mga instructors namin. Nangniningning ang mga mata ng kaibigan ko at halatang excited siya. Kulang na nga lang ay mamilipit na siya sa tindi ng kilig niya kaya hindi ko maiwasang matawa sa hitsura niya. “Ano namang good news iyan at kulang na lang mangisay ka na sa tuwa riyan?” natatawang tanong ko. Naupo kami sa isang bench na nalililiman ng malaking puno. Hindi ko alam kung anong puno ito pero natutuwa ako dahil mayabong at makapal ang mga dahon. “Naaalala mo pa ba si Terrence La Cuesta? Iyong ultimate crush mo noong high school na biglang nag-transfer sa ibang bansa dahil doon na tumira iyong

